Kasabay ng laban sa korapsyon na Black Friday protests at walkout ng mga mag-aaral ng UP Los Baños sa Laguna at De La Salle University nitong Biyernes, Setyembre 19, 2025, ang pansamantalang paglabas ng contractor na si Curlee Discaya at ni dating DPWH Bulacan Assistant First District Engineer Brice Hernandez mula sa detention facility ng Senado.
Parehong nasa kustodiya ng Office of the Sergeant at Arms ng Senado sina Discaya at Hernandez dahil sa kanilang paulit-ulit na pagsisinungaling sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry noong Huwebes, Setyembre 18.
Read: Curlee Discaya cited for contempt; Jinggoy Estrada "safe" again?
THE DISCAYAS AT DOJ
Magkasunod na dumating sa Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya dahil nakipagkita sila kay Justice Secretary Crispin Remulla para sa evaluation ng kanilang kahilingang sumailalim sa Witness Protection Program.
Muling nakuha ng Discaya couple ang atensiyon at pagkainis ng publiko.
Ito ay dahil sa bullet-proof vest na suot ni Curlee at sa mamahaling Louis Vuitton men’s bag na dala niya na nagkakahalaga umano ng halos kalahating milyong piso.

Gumamit naman si Sarah ng face mask at baseball cap para maging incognito.

Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead
LACSON REVEALS DISCAYAS AWARDED PHP207-B CONTRACT FROM 2016-2025
Sa social media post ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lacson ngayong Biyernes, isiniwalat niyang mahigit sa PHP207 bilyon ang halaga ng kontrata ng siyam na construction company ng mga Discaya mula 2016 hanggang 2025 para sa infrastructure projects ng pamahalaan.
Hindi madali ang mga responsibilidad ni Lacson bilang chairperson ng Blue Ribbon Committee.
Sa pagdinig noong Huwebes, na umabot ng mahigit pitong oras, ang pangalan ng aktor na si "Jaypee de Guzman" ang kanyang nabanggit habang tinatanong niya sina dismissed Bulacan 1st District engineers na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde
BRICE HERNANDEZ'S "TELL-ALL" INTERVIEW
Nakasuot din ng bullet-proof vest si Hernandez nang humarap ito sa mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City para sa imbestigasyon sa partisipasyon niya sa mga anomalya sa flood control project.
Boluntaryong isinuko ni Hernandez ang kanyang luxury car.
Ayon kay ICI adviser Baguio City Mayor Benjamin Magalong, pagpapakita ito ng kooperasyon sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

Pahayag ni Magalong sa media: “He would like to cooperate. Ite-turnover niya yung Ferrari na worth PHP58 million, tapos Lamborghini which is worth between PHP30 to PHP40 million.
“We have a good, very constructive na interview ngayon, una si Mr. Brice Hernandez followed by the former secretary ng DPWH, si Secretary Manuel Bonoan.
“Very cooperative si Brice. Very relevant ang kanyang mga revelations.
"And to cut it short, talagang tell-all siya and he continue to cooperate with us para talagang ma-identify pa lalo yung ibang mga sangkot.
“Basta ang masasabi ko lang, marami pa siyang nabanggit na mga hindi nabanggit noon.
"Marami siyang nasabi sa amin na mga detalye pa na hindi niya nabanggit sa ibang forum.
“Mga detalye, very relevant, very positive information.
"Magandang lead ito para sa mga imbestigador. Basta marami kaming magagandang lead pa.”
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money