Nakiisa ang Philippine-Palestine Friendship Association (PPFA) sa kilos-protesta laban sa korapsyon na nagaganap ngayong Linggo, Setyembre 21,2025, sa Luneta Park, Manila.
Isang araw bago idinaos ang malawakang protesta, ginamit ng PPFA ang kanilang Facebook page para anyayahan ang lahat na lumahok sa nabanggit na pagtitipon.
Ipinaalaala rin ng PPFA na hindi lamang araw ng pagpoprotesta laban sa korapsyon ang petsa na Setyembre 21 dahil ito rin ang araw ng paggunita sa ika-53 na anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ng kasalukuyang presidente ng bansa na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
"Never Forget September 21" ang paalaala ng PPFA sa sambayanang Pilipino.
Anila: "Tomorrow marks 53 years since the late dictator Ferdinand Marcos Sr. declared Martial Law. A bloody legacy etched in torture chambers, stolen wealth, and silenced lives.
"This day is not only for remembrance, but for action. We honor the martyrs of those dark years by carrying forward their resistance, their unyielding fire against tyranny.
"Today, his son Marcos Jr. rules under the same shadow of corruption plundering the Filipino people’s future while parading false progress. Corruption is the clearest proof of a rotten system that concentrates wealth and power in the hands of the few, while the masses are condemned to poverty, hunger, and repression.
"And so we say: No politician, no messiah will save us. History has proven that real power has always belonged to the people.
"Lahat ng sangkot, dapat managot.
"Lahat ng korap, dapat managot."
MARIS RACAL SPOTTED AT MARCH TOWARDS LUNETA
Kabilang ang aktres na si Maris Racal sa mga tumugon sa panawagan ng PPFA.
Kasama si Maris sa mga nagmartsa patungo sa Luneta para lumahok sa kilos-protesta na dinaluhan ng libu-libong Pilipino na gising na gising at sawang-sawa na sa mga pang-aabuso sa kapangyarihan at paglustay sa kaban ng bayan ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan.
Hindi lamang nag-martsa si Maris dahil may hawak pa itong mega phone, nakataas ang kanyang bisig, tiklop ang kamao at siya ang nanguna sa paulit-ulit na pagsigaw ng “Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!”
Nakunan din si Maris ng larawan habang hawak niya ang placard ng PPFA na may nakasulat na “Lahat Ng Korap Dapat Managot.”

Hindi lamang si Maris ang showbiz personality na nagpunta sa Luneta rally dahil sinuportahan din ito nina Andrea Brillantes, Angel Aquino at ng direktor na si Joel Lamangan.