Alam na alam ni Vice Ganda kung paano buhayin ang poot sa dibdib ng mga dumalo sa kilos-protesta sa EDSA noong Linggo,Setyembre 21, 2025.
Malulutong na mura ang kanyang pinakawalan para sa mga sangkot sa korapsyon at nanawagan siyang ibalik ang death penalty sa mga corrupt.
“Ibalik ang death penalty sa mga corrupt. Ikulong pati pamilya nila!” nanggagalaiting sigaw ni Vice na sinalubong ng malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao.
Read: Vice Ganda backs death penalty return for corrupt politicians
Ngunit hindi lahat ay sang-ayon sa panawagan ni Vice na ibalik ang death penalty sa Pilipinas.
Kabilang sa naghayag ng saloobin bilang pagkontra sa pananaw ng It's Showtime host ay si Cardinal Pablo Virgilio David.
Si Cardinal David ang obispo ng Caloocan City, at kabilang siya sa libu-libong nakiisa sa malawakang protesta na isinagawa kahapon.

CARDINAL DAVID REACTS TO VICE GANDA'S CALL FOR RETURN OF DEATH PENALTY
Sa pamamagitan ng Facebook post ngayong Lunes, Seyembre 22, 2025, ipinaliwanag ni Cardinal David ang mga rason ng kanyang hindi pagsang-ayon sa maigting na panawagan ng komedyante na ibalik ang death penalty.
Naiintindihan daw ni Cardinal David ang pinanggagalingan ng matinding galit ni Vice, ngunit ang direkta raw maaapektuhan sa pagbabalik ng death penalty ay hindi ang mayayaman na kayang magbayad ng pinakamahuhusay na abogado kundi ang mga mahihirap na walang proteksiyon.
Mensahe ni Cardinal David: “THANKS, VICE, BUT…
"I understand the outrage and the demand for serious accountability. But the Church’s opposition to capital punishment is rooted in this reality: in practice, it is almost always the poor who end up executed, while the wealthy escape.
“Those with money can buy the best legal defense, delay trials indefinitely, or manipulate the system. The defenseless and powerless have no such protection. History, too, warns us: the law is often weaponized by those in power.
“Remember how both St. John the Baptist and Jesus were swiftly condemned to death, while the truly guilty walked away unpunished. That’s why the answer to corruption cannot be more death, but a deeper reform of justice — one that protects the poor and holds the powerful accountable.”
Para sa kaalaman ng lahat, si Cardinal David ay tiyuhin ng broadcast journalist na si Kara David.
Pinag-usapan noong nakaraang linggo si Kara dahil sa kanyang birthday wish na "Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas."
Bukod sa reaksiyon ni Cardinal David sa panawagan ni Vice na ibalik ang death penalty, may mga naghihintay sa opinyon niya tungkol sa birthday wish ng kanyang pamangkin.
Read: Kara David at Karen Davila, may maanghang na komento sa korapsyon