PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andres-Ashtine movie premiere tuloy sa kabila ng masamang panahon

Super typhoon Nando, pinaghahandaan na ng mga Pilipino.
by Jojo Gabinete
Published Sep 22, 2025
andres muhlach ashtine olviga
Andres Muhlach and Ashtine Olviga's launching movie Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna will have its red-carpet premiere at SM Megamall on September 22, 2025.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Tuloy na tuloy ang red-carpet premiere ng pelikulang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna sa SM Megamall Cinema, Mandaluyong City, ngayong Lunes ng gabi, Setyembre 22, 2025.

Ang Minamahal ang launching movie ng AshDres loveeam nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach.

Walang pasok ngayon sa mga paaralan at sa mga opisina ng pamahalaan sa Metro Manila at sa maraming lugar sa Luzon dahil sa banta ng super typhoon Nando.

Pero hindi ito naging sabagal para sa mga masugid na tagahanga nina Ashtine at Andres na maagang nagpunta sa SM Megamall Cinema.

Read: Inka Magnaye defends boyfriend from corruption allegations

Ang red-carpet premiere ng Minamahal ang isa sa pinakamalaking pagtitipon na binuo ng Viva Films para sa launching movie nina Ashtine at Andres.

Dalawang sinehan, ang Cinema 2 at Cinema 3, ang pagdarausan ng red-carpet premiere ng Minamahal para mapagbigyan ang kahilingan ng mga tagahanga ng AshDres na maging bahagi sila ng unang pagtatanghal ng pelikula ng kanilang mga hinahangaang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

SUPER TYPHOON NANDO

Pinaaalalahanan ang lahat, hindi lamang ang mga dadalo sa red-carpet premiere ng Minamahal, na doblehin ang pag-iingat dahil sa malakas na hangin at buhos ng ulan na hatid ng super typhoon Nando.

Ang malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon sa Luneta at EDSA, at sa maraming panig ng Luzon, Visayas, at Mindanao noong Linggo, Setyembre 21, ang pinagtuunan ng pansin nang husto ng sambayanang Pilipino nitong mga nagdaan na araw kaya bahagya na lamang napuna ang panganib na dala ng super typhoon Nando.

Sa ulat ng CNN International, ang super typhoon Nando ang “most powerful storm” sa buong mundo ngayong 2025 at kasalukuyan nitong sinasalanta ang Northern Luzon.

Inaasahang milyon-milyon ang bilang ng mga Pilipino ang maaapektuhan ng super typhoon Nando na dahilan ngayon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Batanes, Ilocos Norte, at sa Cagayan na labis nasalanta ng dumating na delubyo.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andres Muhlach and Ashtine Olviga's launching movie Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna will have its red-carpet premiere at SM Megamall on September 22, 2025.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results