PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Co muling napagdiskitahan ng netizens dahil kay Zaldy Co

Zaldy Co, bilyun-bilyon umano ang nakulimbat sa flood control projects.
by Jojo Gabinete
Published Sep 23, 2025
zaldy co niece claudine co
Two former DPWH engineers have accused Congressman Zaldy Co (left) of amassing nearly PHP9 billion from anomalous flood control projects in Bulacan, making his niece Claudine Co (right) trend online once again.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Trending ngayon sa social media ang pangalan ni Claudine Co dahil sa mga pinasabog na rebelasyon nina Henry Alcantara at Brice Hernandez sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa flood control project anomalies ngayong Martes, Setyembre 23, 2025.

claudine co trending

Sina Alcantara at Hernandez ang dismissed engineers ng Department of Public Works and Highways ng Bulacan First District.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Claudine ay pamangkin ni Ako Bicol party-list Representative Rizaldy “Zaldy” Co.

Read: Claudine Co, binabatikos dahil sa pagbalandra ng lavish lifestyle

Meet Claudine Co, the influencer-singer from Bicol whose luxury vlogs, business ventures, and political ties have recently drawn national attention.
Claudine Co, niece of Congressman Zaldy Co.
Photo/s: Screengrab from Facebook | Claudine Co

Hindi lamang si Claudine ang nababanggit dahil nadadawit na rin sa isyu si Ellis Co, ang young male fashion designer na anak ni Congressman Co.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pribado na ang mga social media account ni Ellis buhat nang masangkot sa flood control project scam ang kanyang ama.

ellis co son of zaldy co
Ellis Co is the fashion designer son of Congressman Zaldy Co.
Photo/s: Instagram

BILLLION-PESO FLOOD CONTROL PROJECTS

Si Claudine at ang marangyang pamumuhay nito ang muling napagbalingan ng atensiyon ng netizens dahil sa ibinulgar ni Alcantara tungkol sa mga kickback ni Congressman Co mula sa DPWH flood control projects.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Alcantara, halos nasa PHP9 billion ang nakulimbat ni Co mula sa infrastructure projects sa Bulacan.

Dinadala raw sa tahanan ng Ako Bicol party-list representative sa Valle Verde 6, Pasig City, ang kickback nito.

Bago pa sinabi ni Alcantara sa Senado ang eksaktong lokasyon ng tirahan ni Co, lumabas na sa Internet ang mga larawan ng bahay ng congressman kaya nakumpirmang tama ang address na ikinalat ng netizens.

Isiniwalat naman ni Hernandez na isang bilyong piso — na nakalagay sa mahigit sa dalawampung maletang isinakay sa mga van — ang dinala sa penthouse ni Co sa Shangri-La Residences sa The Fort, Taguig City.

Si Co ang chair noon ng Appropriations Committee ng House of Representatives.

Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official Henry Alcantara

SUBSTANDARD PROJECTS IN BULACAN

Ipinagtapat din ni Hernandez na substandard ang lahat ng proyekto nila sa first district sa Bulacan dahil sa mga obligasyong kanilang itinatago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-deliver din po kami ng pera pero hindi po directly sa kanya. Hindi po namin directly nakita si Cong. Zaldy.

"Ang ipinakausap po sa amin yung tao niya na ang pangalan ay Paul.

“Maraming maleta po yon ng pera, Your Honor. Tingin ko po, bilyon po yon, sa mga van po.

"Kung hindi po ako nagkamali, anim o pitong van ang gamit namin noon.

“Ang laman po ng isang maleta, nasa PHP50 million po. Mahigit po sa dalawampung maleta,” sagot ni Hernandez sa mga tanong sa kanya ni Senator Erwin Tulfo.

Tinanong din ni Tulfo kung saan dinala ang mga pera.

Sagot ni Hernandez, "Nung una po, doon po sa basement po ng Shangri-La, sa BGC po."

Sinabi naman ni Engineer Jaypee Mendoza ng DPWH na diretsong dinala sa penthouse ni Co ang mga maleta.

Saad ni Mendoza: “Actually, yung isa po namin kasama, si Engineer Paul, nakarating po siya mismo sa loob, dun sa itaas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bukod sa Shangri-La, nagdadala rin po kami sa Valle Verde.

“Kagaya po ng sinasabi ni Boss Henry kanina, kung hindi po ako nagkakamali, unang dalawang taon, sa Shangri-La po.

"Nang sumunod na taon, puro sa Valle Verde 6 na po.”

alcantara hernandez mendoza dpwh engineers
Dismissed DPWH engineers (from left) Henry Alcantara, Brice Hernandez, and Jaypee Mendoza.
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangalan ni Co ang nadiin nang husto sa mga testimonya nina Alcantara, Hernandez, at Mendoza.

Pero wala siya sa bansa para sagutin ang mga paratang laban sa kanya. Nagpunta si Co sa Amerika noong Hulyo 2025 para magpagamot umano.

Sa ulat ng 24 Oras noong Lunes, Setyembre 22, dumating si Co sa New York noong Agosto 26, base sa record ng U.S. Customs and Border Protection.

Umalis siya sa New York noong Setyembre 13, pero hindi na matukoy ang kanyang kinaroroonan sa kasalukuyan.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two former DPWH engineers have accused Congressman Zaldy Co (left) of amassing nearly PHP9 billion from anomalous flood control projects in Bulacan, making his niece Claudine Co (right) trend online once again.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results