Nilinaw ni Senate President Tito Sotto kay dismissed Bulacan First Assistant District Engineer Brice Hernandez ang pahayag ng legal counsel nitong si Atty. Raymond Fortun.
“Ano ba yung sinasabi mo na merong anim na senador kang babanggitin. Ano ba yon?” tanong ni Sotto kay Hernandez sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry ngayong Huwebes, Setyembre 25, 2025.
Paglilinaw ni Hernandez: “Your Honor, ang banggit niya po siguro yung laman po ng computer ko.
"Actually, may mga congressman po na nandoon. Hindi po senador yung laman nung computer ko.”
Read: Escudero, Revilla, Binay tagged by ex-DPWH exec in flood control mess
Reaksiyon ni Sotto: “So, fake news yun, ha? May anim na senador na nunumbrahan mo daw. Mga congressman yung nasa computer mo?”
Sagot ni Hernandez: “Yes, yung nasa computer ko po, congressman po.”
Sabi ni Sotto: “So, okay, thank you. So, fake news siya o naligaw si Raymond, di ba?
"Anyway, basta yung ating media, mag-ingat naman tayo sa fake news.
“Kaninang umaga, may napanood na naman ako na dalawang fake news tungkol sa sarili ko.”
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official Henry Alcantara
BRICE HERNANDEZ, ATTY. FORTUN ARGUMENT
Sinang-ayunan ito ni Blue Ribbon Committee Chair Senator Ping Lacson.
Saad niya: “Mr. President, I agree with you, kasi maraming insinuations, e.
"Nabanggit Senator Sherwin Gatchalian, Senator JV Ejercito... kung sinu-sino na ang lumalabas na pangalan.
"That’s why we need to clarify kasi ikaw ang kino-quote nung lawyer, e, nasa national news ito."
Pagpapatuloy ni Lacson: “In fairness to our colleagues na hindi naman talaga nabanggit at wala naman katibayan, e, babanggitin na nakabitin, at ikaw ang reference.
"The Senate President has to really clarify this matter because this is a sensitive issue.
“Imagine, Senate finance committee, biglang sasabihin ng lawyer mo na, of course, he did not name names, pero may mga insinuations na sumunod, binabanggit yung mga pangalan.”
Nagtanong din si Senator Ronald dela Rosa kay Hernandez dahil narinig daw niya ang sinabi ni Fortun sa isang panayam.
Usisa ni Dela Rosa: “Brice, during the interview ng abogado mo, si Atty. Raymond Fortun, sinabi niya na pinagalitan ka pa daw niya. Bakit ka daw namimili kung sino ang sasabihin mo? Totoo ba ito?”
Sagot ni Hernandez: “Hindi po, Your Honor. Ako po ang nagalit sa kanya kasi mali po yung information na lumabas.
“Ako po ang nagsabi kay Atty. Fortun na huwag naman maglabas ng information na wala pa naman tayo ebidensiya.”
Ikinagulat ito ni Dela Rosa dahil tila hindi nagkakaintindihan si Fortun at ang kliyente nito.
Read: Chiz Escudero, Nancy Binay deny allegations linking them to flood control corruption