PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid, na-miss katrabaho ang kapit-bahay na si Bitoy

Ogie Alcasid, special guest sa 30th anniversary ng Bubble Gang.
by Jojo Gabinete
Published Sep 26, 2025
Ogie Alcasid, na-miss katrabaho ang kaibigan at kapit-bahay na si Michael V.
Ogie Alcasid, bilib sa Sarah Discaya impersonation ni Michael V. sa Bubble Gang: "That day na lumabas ‘yon, tinext ko si Bitoy. Sabi ko, 'Pare, ang galing. Huling-huli mo.'" Kahit di na magkatrabaho, di naputol ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa dahil bukod sa malapit na magkaibigan ay magkapit-bahay din sila
PHOTO/S: @ogiealcasid Instagram

Ang guesting niya sa Bubble Gang para sa pagdiriwang ng ika-30 na anibersaryo ng sketch comedy program ng GMA-7 ang ibinalita ni Ogie Alcasid nang humarap ito sa mga miyembro ng entertainment press.

Read: Regine Velasquez, Ogie Alcasid lament billions lost to corruption

Nag-taping si Ogie para sa Bubble Gang noong Lunes, Setyembre 22, 2025, at ito ang pagbabalik niya sa kanyang dating regular na programa makalipas ang labindalawang taon.

Hindi lamang ang kanyang paglabas sa Bubble Gang ang ikinuwento ni Ogie.

Ibinahagi rin nito ang pagpapalitan nila ni Michael V. ng mensahe nang mapanood niya ang ang karakter ni Ciala Dismaya, ang impersonation ng kanyang kaibigan sa kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya.

Umere ang episode na iyon noong September 14.

"That day na lumabas ‘yon, tinext ko si Bitoy. Sabi ko, 'Pare, ang galing. Huling-huli mo,'" saad ni Ogie, na tinawag si Michael V. sa palayaw nitong Bitoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Michael V, ipakikilala na si "Ciala Dismaya" sa Bubble Gang

OGIE ALCASID ON BONDING WITH MICHAEL V.

Nilinaw ni Ogie na hindi naman nawala ang kanyang komunikasyon sa kanyang kaibigan at kapit-bahay sa private village na kanilang tinitirhan.

"Palagi ko naman siyang nakikita. Kapit-bahay ko ‘yon, e, pero yung makipagtrabaho with him, nami-miss ko.

"Si Bitoy, ang last encounter ko with him was nag-golf kami.

"Siguro last June [2025], kasi nung ikinasal yung anak ko noong May sa Australia, pag-uwi ko, medyo matagal akong hindi nag-practice mag-golf."

Wala naman daw silang usapan na sabay na maglaro ng golf noong araw na iyon.

Paliwanag ni Ogie, "Sa golf kasi, kailangan mag-sign up ka para makakuha ka ng tee time. Tamang-tama yung nakuha kong tee time, alas-tres ng hapon.

"Wala naman akong kalaro. Pagdating ko, nakita ko Beethoven Bunagan. Si Bitoy ito, a. 'Ano ito? Bakit siya?'"

Nagtaka raw siya bakit nakasulat ang pangalan ni Michael V. sa nakatalang maglalaro ng golf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bigla siyang dumating, ‘Surprise!’ So we had a good time. Tsikahan kami, naglaro kami. We had a good time together.

"Then nung birthday ko [August 27], nagpunta siya sa bahay ko."

Ang paglabas ni Ogie sa Bubble Gang ay bahagi ng 30th anniversary presentation ng show, na naging bahagi ng kanyang buhay at acting career mula 1995 hanggang 2013.

Taong 2013 nang lumipat si Ogie sa TV5, at huling bahagi ng 2016 nang lumipat naman siya sa ABS-CBN.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid, bilib sa Sarah Discaya impersonation ni Michael V. sa Bubble Gang: "That day na lumabas ‘yon, tinext ko si Bitoy. Sabi ko, 'Pare, ang galing. Huling-huli mo.'" Kahit di na magkatrabaho, di naputol ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa dahil bukod sa malapit na magkaibigan ay magkapit-bahay din sila
PHOTO/S: @ogiealcasid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results