PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Location ng serye ni Donny Pangilinan, pagmamay-ari ni Zaldy Co

Set sa bagong serye ni Donny, kontrobersyal dahil sa flood control issue.
by Jojo Gabinete
Published Sep 28, 2025
donny pangilinan misibis bay
Donny Pangilinan (in photos), one of the celebrities who joined the mass protest against corruption on EDSA, is currently filming his new series Roja at Misibis Bay, a luxury resort in Albay owned by Congressman Zaldy Co—accused of pocketing billions from anomalous flood control projects.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Ipinahayag ni Donny Pangilinan at ng ibang mga artista ng ABS-CBN ang kanilang nagsisilakbong damdamin laban sa korapsyon at sa mga personalidad na sangkot sa anomalya sa flood control project.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdalo at pakikiisa sa kilos-protesta na naganap noong Setyembre 21, 2025 sa EDSA Shrine at People Power Monument sa EDSA, Quezon City.

Pinuri si Donny at ang mga kasama nito sa kanilang ipinamalas na prinsipyo, paninindigan, at paglaban sa korapsyon.

Read: Donny Pangilinan gives P300K to kariton vendors on It’s Showtime

Tumanggap ng mga papuri ang larawan ni Donny na kuha mula sa idinaos na kilos-protesta laban sa korapsyon na ibinahagi niya sa kanyang official Facebook page.

Sa larawan, may hawak si Donny na placard. Sabi rito, "Ibalik Niyo Ang Pera Ng Taumbayan.”

Nilagyan ito ni Donny ng caption: "The shift has begun. The Filipinos are awake. The fight isn’t over, but one day it will be worth it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tama na. Ikulong na ang mga magnanakaw. Ibalik ang pera ng taumbayan.”

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

View this post on Instagram

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

DONNY PANGILINAN NEW SERIES

Pero tulad ng isang teleserye, mala-"plot twist" ang pagkakatugma ng ipinaglalaban ni Donny sa location shoot ng bago niyang proyekto.

Si Donny ang bida sa Roja, ang upcoming project ng ABS-CBN at unang pagkakataong mapapanood siya sa isang action-drama series.

Isang lock-in taping para sa Roja ang ipinatupad kaya hindi na kailangang umalis sa lokasyon ang lahat ng mga artista at production staff para tuluy-tuloy at mabilis na makunan ang mga eksena.

Ang Misibis Bay Resort sa Cagraray Island, Bacacay, Albay, ang lugar na napili para sa lock-in taping ng Roja.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Misibis Bay Resort ay pagmamay-ari ni Zaldy Co.

Si Co ang Ako Bicol Party-List representative na inaakusahan na malaki ang kinalaman umano sa pagkawala ng bilyun-bilyong pisong pondo para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan (in photos), one of the celebrities who joined the mass protest against corruption on EDSA, is currently filming his new series Roja at Misibis Bay, a luxury resort in Albay owned by Congressman Zaldy Co—accused of pocketing billions from anomalous flood control projects.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results