PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards: Tamaan na kung tamaan ang mga kuracaught

Alden Richards, nagpasiklab bilang director sa Out of Order
by Jojo Gabinete
Published Sep 29, 2025
Alden Richards nagpasiklab bilang actor/director/producer sa Out of Order
Alden Richards (left and right), sumabak bilang actor/director/producer sa kauna-unahang pagkakataon sa pelikulang Out of Order. Gumaganap siyang defense lawyer at ang karakter ni Nonie Buencamino (in detainee shirt, right) ay kanyang kliyente.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Out of Order trailer

Ang Out Of Order ang unang proyekto ni Alden Richards bilang direktor, aktor, at producer.

Pero hindi niya binigo ang mga dumalo sa red-carpet premiere ng kanyang maipagmamalaking pelikula na ginanap Linggo ng gabi, Setyembre 28, 2025, sa Red Carpet Cinema ng Shangri-La Plaza Mall, Mandaluyong City.

Kahit walang pormal na edukasyon sa paggawa ng pelikula, pinatunayan ni Alden sa Out Of Order na may karapatan siyang maging direktor dahil sa kanyang mahusay na trabaho.

Maganda ang pelikula na mapapanood sa Netflix simula sa Oktubre 2, 2025 dahil maayos na nailahad ni Alden ang kuwento ng Out Of Order kaya walang mag-aakala na baguhan siyang direktor.

Sa kabila ng scruffy appearance ng karakter na ginampanan ni Alden, handsomely photographed ito sa lahat ng kanyang mga eksena at hindi mahahalatang pagod siya bilang artista at direktor ng kanyang pelikula.

Mahusay ang pagganap na ipinamalas ni Alden, pati ng mga co-star niya sa Out Of Order na sina Nonie Buencamino, Soliman Cruz, Heaven Peralejo, Nicco Manalo, at ang scene-stealer na si Joyce Ching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kinalaman ang kuwento ng pelikula tungkol sa korapsyon na kinasasangkutan ng mga abogado, pulis, at mga opisyal ng pamahalaan—na napapanahon dahil ito ang mainit na usapin ngayon sa ating bansa.

Read: Ralph Tulfo, may pahayag sa viral P6.7M bill na binayaran sa club

ALDEN RICHARDS ON FIGHTING CORRUPTION

Nang itanong ng Cabinet Files kay Alden kung gaano kasakit sa kanya ang isyu ng korapsyon, dahil isa rin siya sa mga artista na malaki ang ibinabayad sa buwis, sinabi niya na ang isyu ay hindi napupunta sa taong-bayan ang perang nakamal ng mga mapagsamantalang indibidwal.

"It’s not really more of me paying a lot of taxes every year. It’s when I see people suffering, that’s what I cannot take not as a taxpayer but as a Filipino," ani Alden.

Naramdaman namin ang sinseridad ni Alden at mula sa puso ang kanyang mga pahayag dahil nangilid ang luha niya habang nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dun ako galit na galit na kayo, itong mga corrupt na ito, nakakatulog kayo sa aircon sa malalaking bahay tapos yung mga tao, kapag bumaha, kapag may nangyaring calamity, ultimo family members nila, ultimo buhay nila, nawawala.

"Kaya nila ‘yon? I mean, how dare them! That’s why I am all for the movement against corruption."

Read: Ping Lacson claims "almost all" senators had budget insertions

LONG-TERM FIGHT

Tingin ni Alden, long-term na laban ito laban sa mga korap.

"Maybe, like si Sir Vince Dizon of DPWH said na hindi agad-agad. This will [take] a very long time because it has been systemic already.

"So matagal-tagal pero kailangan may gumagalaw. Yun ‘yon, e. Huwag nating hayaan na mangyari na naman sa atin, e, bigla na lang itong mabaon sa limot.

"Because that’s how I saw it. I’ve been reviewing past corruption cases in the government, na parang all of a sudden, nakakalimutan siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tinatapalan ng iba-ibang klaseng balita just so people could forget."

Diin pa ni Alden, "The Filipinos are not stupid. We always remember especially right now with our platforms.

"So huwag kami! Huwag ang Pinoy!"

Read: Alden Richards' "kuracaught" post sparks online buzz

ALDEN RICHARDS ON "KURACAUGHT" POST

Pinag-usapan noon ang post ni Alden tungkol sa mga “kuracaught” at hindi siya nangimi na aminin na sinadya niya ang kanyang ginawa.

"Kuracaught, ipino-post ko ‘yon. Tamaan na ang tamaan.

"Sabi nga sa kanta ni Gloc9, yun ang favorite line ko, yung sa chorus part.

"Ang sabi, ‘Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit. Ang matamaan, huwag masyadong halata.'”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (left and right), sumabak bilang actor/director/producer sa kauna-unahang pagkakataon sa pelikulang Out of Order. Gumaganap siyang defense lawyer at ang karakter ni Nonie Buencamino (in detainee shirt, right) ay kanyang kliyente.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Out of Order trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results