Ang Philippine adaptation at remake ng 2012 South Korean movie na A Werewolf Boy, na pinagbidahan nina Song Joong Ki at Park Bo Young, ang launching movie ng RabGel loveteam nina Rabin Angeles at Angela Muji.
Inanunsiyo ang proyektong gagawin nina Rabin at Angela sa thanksgiving media conference ng kanilang Viva One hit series na Seducing Drake Palma na ginanap sa Viva Café, Cubao, Quezon City, ngayong Lunes, Setyembre 29, 2025.
Read: Ralph Tulfo, may pahayag sa viral P6.7M bill na binayaran sa club

ACTING PIECE FOR RABIN ANGELES
Si Song Joong Ki ang isa sa mga South Korean actor na iniidolo ni Rabin kaya magkahalo ang kaba at excitement na nararamdaman niya sa unang araw ng shooting nila ni Angela para sa A Werewolf Boy sa linggong ito.
Pahayag ni Rabin: "Itong project na to, sobrang kaba-kaba pa rin ako kasi hindi pa naman po ako ganoon kagaling umarte.
“Pero kahit hindi ako ganoon kagaling umarte, matagal ko nang hinihingi ito. Matagal ko nang ipinagdarasal na ‘Sana bigyan Ninyo ako ng acting piece talaga.’
“Yun po ang pinakahihingi ko. Gusto kong maipakita sa mga taong gagawin ko ang lahat para makaarte.”
Maligayang-maligaya si Rabin dahil natupad ang kanyang panalanging makagawa ng pelikula bago matapos ang 2025.
Aniya: “Parang kailan lang, ininterbyu ako. Sabi ko, 'Sana ngayong taon na ito, magkapelikula ako.'
"Ibinigay sa atin ni Lord. Ibinigay rin ng mga boss, maraming-maraming salamat po sa kanilang lahat.”
Ayon kay Rabin, nanood siya ng mga drama series at pelikula bilang paghahanda sa bagong proyekto nila ni Angela.
“Sobrang dami kong binasa, sobrang dami kong pinanood, iba’t ibang serye. Iba’t ibang movie para maging isang wolf.
“Pinanood ko rin po yung movie pero hindi pinanood na buo kasi Song Joong Ki na yan, e. Sobrang solid ni Song Joong Ki, pero kailangan, may bago tayong ipakita.
“Hindi po natin dapat gayahin nang buo si Song Joong Ki.
“Talagang ang daming preparations. Binasa namin nang buo yung script. Ang daming isinukat na prosthetics.
“Talagang parang apat na oras po akong nagpo-prosthetics tapos sobrang daming paghahanda talaga para sa project na to,” saad ni Robin.
Read: Alexa Miro confirms Sandro Marcos was her boyfriend for 5 years