Ang rap artist at fashion designer na si Ellis Co ang napagbuntunan ng poot ng mga nagagalit na Pilipino dahil sa pagbibitiw ng kanyang ama bilang House Representative ng Ako Bicol Party-list.
Si Ellis ang anak ni Zaldy Co, ang congressman na inaakusahan ng korapsyon at sangkot umano sa pagnanakaw sa bilyun-bilyong pisong pondo mula sa flood control projects.
Read: Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co

Nagbitiw na congressman ang nakatatandang Co sa pamamagitan ng liham na ipinadala niya kina House Speaker Faustino Dy III at Representative Jonathan Clement Abalos, ang chairperson ng Committee on Ethics and Privileges, ngayong Lunes, Setyembre 29, 2025.
Nakasaad sa bahagi ng resignation letter ni Co: “On account of the real, direct, grave and imminent threat to the lives of my family members and me, and the evident denial of my right to due process of law, I am constrained to tender with immediate effect my irrevocable resignation as a member of the House of Representatives.
“The Ako Bicol Partylist will inform your good office of the nominee who will take my place in the House of Representatives.”
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
MABIGAT MAN SA AKING PUSO...
Bukod sa sulat na ipinadala niya kina Dy at Abalos, inilahad ni Co sa Facebook page ng Ako Bicol Party-list ang bigat ng kalooban na nararamdaman sa kanyang “pansamantalang” pagbibitiw bilang kongresista.
Saad niya: “Mabigat man sa aking puso, ako’y nagpaabot ng aking pagbibitiw bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Sa loob ng aking panunungkulan, aking sinikap na maging kasurog ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga kababayan sa Bicol.
“Ang desisyong ito ay hindi naging madali, ngunit ito ay aking tinimbang nang mabuti para sa ikabubuti ng aking pamilya at ng mga taong patuloy kong pinaglilingkuran. Maraming salamat sa pagsuporta.
“Pansamantala po akong magpapaalam bilang Kinatawan ng Ako Bicol Party List. Sa kabila nito, tinitiyak kong tuloy-tuloy ang Ako Bicol Party List sa mga programa at serbisyong may puso para sa bawat Bicolano.”
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official
NETIZENS ATTACK ELLIS CO'S SOCIAL MEDIA
Tinalikuran ni Co ang kanyang tungkulin ngayong Lunes, Setyembre 29, ang huling araw ng palugit na ibinigay sa kanya ni House Speaker Dy para bumalik sa Pilipinas matapos bawiin ang travel clearance niya.
Hindi makapagbigay ng reaksiyon ang mga dismayadong Pilipino sa pamamaalam ni Co dahil limitado ang maaaring mag-iwan ng komento sa Facebook page ng Ako Bicol Party-list kaya ang social media page ng kanyang anak ang napagbalingan nila ng atensyon.
Nadagdagan ang mga batikos at masasakit na salitang natatanggap ni Ellis dahil sa pagbibitiw sa tungkulin ng kanyang ama.
Ang pagbaba ni Co mula sa puwesto at ang walang katiyakang pag-uwi niya sa Pilipinas ang katibayanng nabigo si Ellis sa madamdaming panawagan nitong umuwi at sagutin ang mga paratang laban sa kanya.
Bahagi ng Instagram post ni Ellis: “To my father, come home and answer to the people. Have your time in court. People need answers. Free those who were unfairly imprisoned, and seek justice for those who put their lives at stake.”
Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"
View this post on Instagram