PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lindol sa Cebu at pagputok ng Taal Volcano, yumanig sa Pilipinas

Lindol sa Cebu at pagputok ng Taal Volcano, yumanig sa Pilipinas
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2025
cebu earthquake taal volcano eruption
A magnitude 6.9 earthquake struck northern Cebu on September 30, 2025, followed by a minor eruption of Taal Volcano on October 1, 2025—disasters hitting the Philippines as the nation also grapples with a deepening corruption crisis.
PHOTO/S: Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima / PHIVOLCS DOST Facebook

Ang malakas na lindol sa northern Cebu noong Martes ng gabi, Setyembre 30, 2025, at ang pagputok ng Taal Volcano ngayong Miyerkules ng madaling-araw, Oktubre 1, ang karagdagan sa listahan ng mga natural na kalamidad na tumama sa Pilipinas.

May lakas na magnitude 6.9 ang lindol na yumanig sa Cebu.

Naramdaman din ang mga pagyanig sa Northern Samar, Northern Leyte, Bohol, at ilang bahagi ng Bicol.

Sa ulat ng Associated Press, marami ang nasaktan at maaaring tumaas pa ang bilang ng 20 kataong namatay dahil sa lindol.

Read: Ralph Tulfo, may pahayag sa viral P6.7M bill na binayaran sa club

Nakunan ng dashcam video ang malakas na paggalaw ng Mactan-Mandaue bridge na nagdurugtong sa mga siyudad ng Mandaue at Lapu-Lapu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumuho ang simbahan ng Santa Rosa de Lima na itinayo noong Abril 1858 sa Daanbantayan, Cebu

Nasira rin ang bahagi ng Parroquia de San Pedro Apostol Bantayan sa Bantayan Island.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nawasak ang gusali ng dalawang sikat na fast-food chain.

Nagkaroon ng sunog sa isang popular mall.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malinaw ring nakunan ng video ang nag-uunahang pagtakbo ng mga kandidata at ng mga dumalo sa Gala Night ng Miss Asia Pacific International 2025 na ginanap sa Radisson Blu Hotel, Cebu City.

Read: Ping Lacson says "almost all" senators had insertions in 2025 budget

CNN BOOBOO

Kabilang ang Gala Night video ng mga nagpupulasan sa pagtakbong mga kandidata ng Miss Asia Pacific International 2025 ang ginamit ng ilang international news outlets, tulad ng CNN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nakatanggap ng mga batikos ang CNN dahil sa maling caption na ginamit nila.

Sa unang news video post ng CNN nitong Miyerkules ng madaling-araw, 3:16 A.M., ito ang ginamit nilang caption: “Major video game company, Electronic Arts, is going private after agreeing to sell itself in a record-setting deal to a group of investors, including Saudi Arabia’s Public Investment Fund and Jared Kushner’s Affinity Partners.”

cnn post on cebu earthquake
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghatid ito ng kalituhan kaya marami ang pumuna sa hindi sinasadyang pagkakamali.

Makaraan ang dalawang minuto, 3:18 A.M., itinuwid ng CNN ang pagkakamali dahil wasto na ang caption nila.

Nakasaad dito: “A strong earthquake with a preliminary magnitude of 6.9 struck the Philippines, according to the US Geological Survey, raising fears about damage and the possibility of a localized tsunami."

cnn post cebu earthquake
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TAAL VOLCANO ERUPTION

Makalipas ang mahigit na apat na oras matapos ang malakas na lindol sa Northern Cebu, pumutok naman ang Taal Volcano.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nag-umpisa ang pagsabog ng Taal Volcano bago mag-alas dos ng madaling-araw at natapos ito ng 2:15 A.M.

Patuloy na nangangalap ng mga karagdagang detalye ang PHIVOLCS tungkol sa pagputok ng bulkan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero para sa mga mapamahiing Pilipino, parusa ng langit ang sunud-sunod na kalamidad na nagaganap sa Pilipinas dahil sa mga sakim at mapagsamantalang mga lider ng pamahalaan na nagnanakaw at lumulustay sa pera ng bayan.

Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam mastermind

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A magnitude 6.9 earthquake struck northern Cebu on September 30, 2025, followed by a minor eruption of Taal Volcano on October 1, 2025—disasters hitting the Philippines as the nation also grapples with a deepening corruption crisis.
PHOTO/S: Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima / PHIVOLCS DOST Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results