“Dating” na inaasahang hahantong sa seryosong relasyon ang estado sa kasalukuyan ng pagkakaibigan ng aktres na si Kyline Alcantara, 23, at ni House Majority Leader Sandro Marcos, 31.
Si Sandro ang panganay na anak nina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Matagal nang magkaibigan si Kyline at ang Ilocos Norte First District representative, pero ngayon lamang lumalabas ang mga balita tungkol sa kanila dahil kumpirmadong hiwalay na si Sandro at ang actress-TV host na si Alexa Miro.
Ang pagsubaybay nina Sandro at Kyline sa Instagram account ng isa’t isa ang ilan lamang sa mga pahiwatig ng kanilang namumuong pagkakamabutihan.
Read: Jeric Raval "nadulas" sa pag-aming may mga anak na sina AJ at Aljur
READY TO BRING THEIR RELATIONSHIP TO THE NEXT LEVEL
Hindi pa nagsasalita si Kyline tungkol kay Sandro, pero marami na ang nakakaalam sa lumalalim nilang relasyon.
May impormasyong matagal nang napagtutuunan ng pansin ni Sandro si Kyline, na girlfriend pa noon ni Kobe Paras kaya hindi siya makapanligaw sa Kapuso actress.
Ngayong kapwa na malaya sina Sandro at Kyline mula sa mga dating karelasyon, wala nang hadlang at sagabal para dalhin nila sa susunod na antas o next level ang kanilang espesyal na pagkakaibigan.
Read: Charming Actress, ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend