Tila may namumuong "cat fight" at "dog fight" sa mga mambabatas.
Walang pangalang binanggit si Senator Panfilo “Ping” Lacson, pero marami ang kumbinsidong patungkol kina Dasmariñas, Cavite Representative Kiko Barzaga at Senator Rodante Marcoleta ang kanyang Instagram post ngayong Huwebes, Oktubre 2, 2025.
Mensahe ni Lacson sa isa niyang post: “Help! Is there a veterinary clinic with an animal psychiatric ward? We have a crazy cat that keeps meowing on the ground floor and an annoying dog that keeps barking on the upper floor.”
Caption niya rito: “LF:Vet clinic.Any recommendations?”
Si Barzaga ang isa sa mga kritiko ni Lacson, samantalang si Marcoleta ang madalas makasagutan sa Senado ng chairperson ng Blue Ribbon Committee.
Read: Arjo Atayde, nag-relief operation sa gitna ng mga alegasyon
LACSON'S PHOTO WITH THE DISCAYAS
Nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Barzaga at Lacson dahil ibinahagi ng kongresista sa Facebook page nito ang larawan ng senador na kasama ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Hindi itinanggi ni Lacson na nakilala niya ang mga Discaya, na inimbitahan umano siyang sumama sa kampanya sa Davao, noong unang bahagi ng 2025.
Tinanggihan daw ni Lacson ang imbitasyon ng mga Discaya bilang respeto kay Senate President Tito Sotto dahil pamangkin nito si Pasig City Mayor Vico Sotto, na kalaban ni Sarah sa mayoral race noong Mayo 2025.
Iginiit ni Lacson na wala siyang anumang campaign donation na tinanggap mula sa mga Discaya.
Hindi rin daw niya pinapaboran o binibigyan ng special treatment ang mag-asawa sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee.
“The fact that it is being circulated only means that it intended to besmirch my reputation and credibility in chairing the Blue Ribbon Committee on the flood control project anomalies,” deklarasyon ni Lacson tungkol sa isyu noong Oktubre 1.
Read: "Congressmeow" Barzaga gustong paimbestigahan si Martin Romualdez