Kasama ang kanyang anak na si Nate, lilipad si Ogie Alcasid sa Amerika ngayong Biyernes, Oktubre 3, 2025.
Manonood ang mag-ama ng Got Back Tour ni Paul McCartney, ang dating miyembro ng Beatles, sa Allegiant Stadium, Las Vegas, Nevada, sa October 4 (U.S. time).
Eighty-three years old na si McCartney, pero ang buong akala ni Ogie ay 79 years old pa lamang ang mang-aawit na itinuturing niyang kanyang idol at hero sa pagkanta.
Read: Jeric Raval "nadulas" sa pag-aming may mga anak na sina AJ at Aljur
Kuwento ni Ogie sa Cabinet Files: “May one-week school break si Nate, dadalhin ko siya sa Amerika, manonood kami ng Paul McCartney.
"Kasi nung nakita ko na, ‘Uy, magko-concert si Paul McCartney.’ E, ilang taon na siya, 78, di ba?
"Kapag hindi na niya ginawa ito, hindi ko na siya mapapanood.
"He’s my idol. He’s, like, my hero."
Madali raw napapayag ni Ogie ang kanyang misis na si Regine Velasquez.
“Sabi ko, 'Hon, ano sa tingin mo?' Sabi niya, 'Kailan mo pa yan gagawin? Kapag 79 na siya? Kapag 80 na siya?’
“Tiningnan ko yung break ng anak ko. Ayan, meron siya.
"So, manonood kami. Isasama ko siya kasi mahilig siyang manood ng concert.
"Medyo ini-introduce ko siya sa the icons, the greats.
"Mahilig siyang mag-collect ng CDs so binilhan ko siya ng Beatles. 'Pakinggan mo yan,' na-appreciate naman."
Read: Kyline Alcantara at Sandro Marcos, lumalalim na ang relasyon

NATE ALCASID BEGINS HIS JOURNEY IN THE ENTERTAINMENT SCENE
Si Nate ang nag-iisang anak nina Ogie at Regine.
Tulad ng kanyang mga magulang, may posibilidad na balang-araw ay maging bahagi rin siya ng entertainment industry, base sa salaysay ni Ogie nang makausap ito ng Cabinet Files.
Pagbabahagi ng singer-songwriter: “He signed up for a play.
"Last year kasi, sabi niya, 'Ma, Dad, I am in a musical.
'“Kumakanta ka ba, anak?' Yun pala, background lang siya.
"So, nanood kami. Nakakatuwa naman, kasi in my mind, being chorus lang siya, he’s learning the ropes.
“And this year, sabi niya, 'Hey, Mom, Dad, I am auditioning for a play.’
“Sabi ko, 'Musical?' 'No, no. It’s acting.'
“'Wow, artista ka na, anak!' So, sabi ko, 'Well, I hope you get the part, but if not, it’s okay. At least you tried.'
“E, naliligo ako. Sabi niya, ‘Dad! Dad! I got the part.’"
Read: Ben Tulfo castigates nephew Cong. Ralph Tulfo over P6.7M splurge
Pagpapatuloy ni Ogie: “Yung anak ko, nakakatuwa, kasi yung mga bata ngayon, sobrang updated sila sa mga foreign trending, pati sa songs.
"So, siya ang nagbabalita, ‘Dad, your song, it’s in Billboard top something.’
“Hindi ko na naiintindihan yung mga ganoon, di ba? Kaming mga senior, hindi na namin iniisip yung mga ganyan.
“Sabi ko, ‘Really, is that a big thing?’ 'Yes, Dad! Above this and above that.'
“Sabi ni Regine, 'Kita mo yung anak mo, sobrang proud sa iyo.'
“But it’s good that he appreciates, I guess, what mom and dad do.
"Okay lang sa kanya kahit hindi siya bida. Ngayon, bida na siya. He got the part."
Read: Ogie Alcasid, umakyat ang Spotify listeners dahil kay Rob Deniel