PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zaldy-Mylene Co renewal of vows sa Vatican City, muling lumitaw

Cardinal Tagle, Robi Domingo, Martin Nievera present sa Co renewal of vows.
by Jojo Gabinete
Published Oct 3, 2025
zaldy co mylene co renewal of vows
Photos and video of Congressman Zaldy Co and wife Mylene Co’s renewal of vows in Vatican City resurface on social media amid corruption allegations.
PHOTO/S: Facebook / @santa_marites on Instagram

Nabanggit ang mga pangalan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, TV host na si Robi Domingo, at singer na si Martin Nievera kasabay ng paglitaw ng mga larawan at video ng renewal of vows nina Zaldy at Mylene Co sa Vatican City noong Hulyo 2024.

Si Zaldy ang Ako Bicol party-list representative na nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa pagkakasangkot niya sa mga anomalya sa flood control projects na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso.

Walang nakakaalam kung babalik pa siya sa Pilipinas para harapin ang mabibigat na paratang laban sa kanya.

Si Mylene naman ay chief financial officer ng infrastructure company na Sunwest, Inc., na pag-aari ng pamilya Co.

Ang Sunwest ay kabilang sa pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. na construction companies na nakakakuha ng pinakamaraming bilang ng flood control projects mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read: Zaldy Co, nag-resign bilang Ako Bicol party-list representative

ZALDY-MYLENE CO lavish RENEWAL OF VOWS AT VATICAN CITY

Limang araw bago nagpasya si Co na talikuran ang pagiging kinatawan ng Ako Bicol party-list noong Lunes, Setyembre 29, 2025, lumabas ang impormasyon tungkol sa renewal of vows nila ng kanyang asawang si Mylene sa St. Peter’s Basilica, Vatican City, noong Hulyo 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay bilang paggunita para sa kanilang silver wedding anniversary.

Ilang araw matapos ang pagbibitiw ni Zaldy, kumalat ang Reels at ang mga larawan ng renewal of vows nila ni Mylene.

Base sa video na lumabas, binili sa Chanel ang singsing nina Zaldy at Mylene, pati na ang wedding dress ni Mylene.

Kasama sa Reels at sa litrato si Cardinal Tagle na nagsilbi umanong officiating priest.

Makikita rin sa isang larawan si Robi Domingo na, diumano, host ng reception.

Sa isa pang larawan, makikita namang hinaharana ni Martin Nievera si Mylene.

Nangyari ang renewal of vows ng mag-asawang Co nang hindi pa nasasangkot si Zaldy sa korapsyon at sa bilyun-bilyong pisong anomalya sa flood control projects.

Malaki ang posibilidad na walang alam sina Cardinal Tagle, Robi, at Martin sa pagkatao ng mga kumuha sa kanilang serbisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala itong ipinagkaiba sa mga entertainment personality na inimbitahang magtanghal sa magarbong Christmas party ng kompanya ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya noong Disyembre 2024.

Tinanggap ng mga artista ang imbitasyon dahil bahagi ito ng kanilang propesyon kaya hindi sila dapat idawit sa pagkagalit sa corrupt public officials.

Read: Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co

CARDINAL TAGLE, ROBI DOMINGO

Sa panayam ni Rico Hizon kay Cardinal Tagle, nagsalita ito tungkol sa korapsyon.

Ipinaalala niya sa lahat, lalo na sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan: “We are stewards. No one should pretend to be the owner and the Lord of everything.

"Can you please look at yourself and with humility say, 'I am not God.'

“The government officials are not owners of the nation’s wealth, but administrators who must manage public funds honestly and responsibly.”

Sa aming palagay, walang pagkakamali si Robi nang tanggapin nito ang trabahong maging host sa marangyang pagtitipon ng mag-asawang Co.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala rin social media post si Robi tungkol sa partisipasyon niya sa renewal of vows ng dating kongresista at ng asawa nito, pero makikita sa kanyang Instagram post na nagpunta sila sa ng misis niyang si Maiqui Pineda sa Italy noong Hulyo 2025.

Kung may naidulot na kabutihan ang paglabas ng mga larawan ng mga pinagbibintangang naglustay ng salapi ng taumbayan, ito ay ang pagiging maingat ngayon ng mga artista at ng mga manager nila sa pagtanggap ng mga show.

Inaalam nang mabuti ng mga artista at ng mga namamahala sa career nila ang pagkatao ng mga nagnanais kumuha sa kanilang mga serbisyo para hindi na sila madamay sa poot ng publiko sa mga mapagsamantalang politicians, government officials, at contractors.

Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Photos and video of Congressman Zaldy Co and wife Mylene Co’s renewal of vows in Vatican City resurface on social media amid corruption allegations.
PHOTO/S: Facebook / @santa_marites on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results