“Nakakagalit.”
Ito ang reaksiyon ni Ogie Alcasid sa X (Twitter) post ni Gretchen Ho tungkol sa karanasan ng isang miyembro ng pamilya ng TV5 host-anchor sa Oslo, Norway.
Sa kanyang post nitong Lunes ng gabi, Oktubre 6, 2025, ikinuwento ni Gretchen na nangyari ang insidente sa isang foreign exchange counter sa airport ng Oslo.
Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam mastermind
Pagbabahagi ni Gretchen: “One of our family members traveling abroad got denied at the foreign exchange counter in Oslo, Norway.
"Lady at the counter goes — 'You came from the Philippines? We cannot exchange your dollars because of the corruption and money laundering in the Philippines.'
“This family member (along with a group of friends) told me they were asked to exchange their money elsewhere but not at the airport.
"Family member was just trying to exchange 300 USD. Terrible.”
Tanong pa ng TV5 host: "What are we going to do about this, Pilipinas?"
Read: Escudero, Revilla, Binay tagged in flood control controversy
OGIE ALCASID: "NAKAKAGALIT"
Nabasa ni Ogie ang X post ni Gretchen.
Galit ang naramdaman ng singer-comedian dahil sa masakit na katotohanang may kinalaman ang corrupt government officials ng Pilipinas kaya mababa ang tingin ng ibang mga lahi sa mga Pilipino.
Isa si Ogie sa mga entertainment personality na dumalo sa malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon noong Setyembre 21, 2025.
Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"
Kasama ang kanyang anak na si Nate, lumipad si Ogie sa Las Vegas, Nevada, USA, noong Oktubre 3 para panoorin ang concert ng legendary singer at former Beatles member na si Paul McCartney.
Habang sakay ng eroplano papunta sa Las Vegas, nakapagsulat si Ogie tungkol sa malala at kasumpa-sumpang korapsyon na nangyayari sa Pilipinas dahil sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Wala pang pamagat ang komposisyon ni Ogie pero ibinahagi nito sa Facebook at X accounts niya ang kanyang isinulat laban sa korapsyon at sa mga ganid na opisyal ng gobyerno.
Narito ang kanyang isinulat:
Wag tayo makinig sa sabi-sabi lang
Di tayo bulag sa katotohanan
Sila-sila rin ang nakikinabang
Sa ninakaw nilang —— PERA NG BAYAN
Wag tayong makinig sa kuwentong kutsero
Na pinapalabas ng mga usisero
Matagal na pala ang ganitong proseso
Mag-ingay na tayo
Mag-ingay na po tayo
Sabi nila mahirap daw tayo
Sabi nila nauubos na ang pondo
Yun pala — ang pinagkakaabalahan
Ng mga makapangyarihan
Ay tayo ay lokohin
Linlangin, abusuhin
At paulit ulit nang nanakawan
Pilipinas gising na
Pilipinas gising na
Pilipinas gising na
Pilipinas laban na!
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official