Positibo ang halos lahat ng mga komento sa inanusiyo ng Viva Artists Agency na si Andres Muhlach ang isa sa magbibida sa Bagets, ang musical play na itatanghal sa Newport Performing Arts Theater sa 2026.
Hindi lamang ang mga tagahanga ni Andres ang natuwa dahil nagalak din ang mga tagasuporta ng kanyang amang si Aga Muhlach.
Gagampanan ni Andres sa Bagets, The Musical ang karakter ni Adie, ang katauhan na ginampanan ni Aga sa unang pelikula nito bilang teenager, ang Bagets.
Read: DJ Mo bids goodbye to Las Vegas home with Angelicopter
View this post on Instagram
Mula sa produksiyon ng Viva Films, ipinalabas ang Bagets sa mga sinehan noong Pebrero 2, 1984.
Fourteen years old lang si Aga nang ipakilala ito sa Bagets, na pinagbidahan din nina William Martinez, JC Bonnin, Raymond Lauchengco, at Herbert Bautista.
Pinilahan noon sa mga sinehan ang Bagets, at ito ang proyektong nagpasikat nang husto kay Aga.
ANDRES TO REPRISE AGA'S ROLE IN BAGETS
Tiyak na hindi inakala ni Aga na makalipas ang 42 taon, ang anak niyang si Andres ang gaganap na Adie sa musical play version ng kanyang iconic launching film.
Twenty-three years old na ngayon si Andres kaya higit na mas bata ang kanyang ama nang magbida ito sa Bagets.
Sa presscon ng isang proyekto ni Aga na ginanap sa Viva Café, napangiti siya nang mapag-usapan ang Bagets.
Ipinaalala sa kanya ang kantang ginamit sa mga eksena nila ni Baby Delgado, ang "Baby I Lied," na pinasikat noong 1983 ng American country singer na si Deborah Allen.
Nag-trip down memory lane si Aga dahil sa kantang may malaking bahagi sa unang pelikula niya.
Isang teenager na na-in love kay Ivy (Baby), na mas matanda sa kanya at may asawang nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia, ang papel na binigyang-buhay ni Aga bilang Adie sa Bagets.
Ang eksenang naliligo sina Aga at Baby sa swimming pool, at briefs lamang ang suot ni Aga, habang tinutugtog ang "Baby I Lied," ang isa sa mga eksena sa Bagets na nagmarka noon sa mga nanood ng kanilang pelikula.
Read: HOW MUCH? One-night stay at Bvlgari Hotel Roma in Italy
