PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

First night ng Cup of Joe concert, maagang dinumog ng fans

Cup of Joe, tinawag na "biggest music act in the country" ni Viva Live boss.
by Jojo Gabinete
Published Oct 10, 2025
cup of joe concert
Pop-rock band Cup of Joe kicks off their sold-out three-night Stardust concert at the Araneta Coliseum on Friday, October 10, 2025.
PHOTO/S: Viva Records

Ngayong Biyernes, Oktubre 10, 2025, ang unang gabi ng three-night Stardust concert ng bandang Cup of Joe sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Ang Cup of Joe ang nagpasikat ng mga kantang "Multo," "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko," "Tingin," "Misteryoso," at "Patutunguhan."

Alas otso pa ng gabi ang simula ng concert, pero hapon pa lang ay nasaksihan na ng Cabinet Files ang mahabang pila ng mga tagahanga ng Cup of Joe sa paligid ng Gateway Mall 2 at nag-uunahang makapasok sa Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga security personnel na nakabantay para mapanatili ang mapayapang pila, alas-tres ng hapon nang mag-umpisa ang pagpila ng mga manonood.

Read: Jake Cuenca on split with Chie Filomeno: “That chapter of my life is over now."

cup of joe concert
Photo/s: Jojo Gabinete

"BIGGEST MUSIC ACT IN THE COUNTRY"

Ang Viva Live Inc. ang producer ng Stardust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa orihinal na plano, dalawang gabi lamang ang pagtatanghal ng Cup of Joe sa Araneta Coliseum.

Pero mula sa dalawa, naging tatlong gabi ang concert ng Cup of Joe.

Bukod sa mabilis nabenta ang tickets, pinagbigyan ng Viva Live Inc. ang kahilingan ng fans na magdagdag pa ng isang gabi.

“Joewahs” ang tawag sa mga tagahanga ng Cup of Joe.

“They’re the biggest music act in the country!” pahayag ni Viva Communications President at Chief Operations Officer Vincent del Rosario sa Cabinet Files tungkol sa phenomenal rise ng Cup of Joe.

cup of joe stardust
Photo/s: Viva Live Inc. Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gumawa ng kasaysayan ang Cup of Joe noong Abril 2025 dahil pumasok sa Billboard Global 200 chart ang kanilang viral song na "Multo."

Maligayang-maligaya ang Cup of Joe sa hindi inaasahang tagumpay sa Billboard Global 200 ng single nila.

Ang mga miyembro ng Cup of Joe na sina Gian Bernardino, Raphaell Ridao, Gabriel Fernandez, at Xen Gareza ay nagmula sa mga lalawigan ng Pangasinan, Abra, at Baguio City.

Mga menor de edad pa lamang sila nang mabuo ang kanilang banda, kaya sa tuwing lumuluwas sila noon sa Metro Manila para bumisita sa opisina ng Viva Records ay sinasamahan pa sila ng mga magulang nila.

Read: Bahay sa France, hindi umano pag-aari ng Atayde family

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pop-rock band Cup of Joe kicks off their sold-out three-night Stardust concert at the Araneta Coliseum on Friday, October 10, 2025.
PHOTO/S: Viva Records
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results