Nag-umpisa ang relasyon ng singer-actor at ng low-profile actor na mula sa kilalang angkan noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.
Pero hindi nagtagal ang kanilang pagmamahalan.
Nang matapos ang pandemya, nagwakas na rin ang relasyon ng dalawa.
Pero nananatili silang magkaibigan, base sa larawan nila na nakita ng Cabinet Files.
Magiliw pa rin sa isa’t isa ang singer-actor at ang low-profile actor na patuloy na sinusubaybayan ang social media account ng isa’t isa.
Hindi masyadong aktibo sa showbiz ang low-profile actor kaya hindi napagtutuunan ng atensiyon ng mga mahihilig sa intriga at kontrobersiya ang mga kaganapan sa kanyang personal na buhay.
Read: MMFF 2025: Will-Bianca-Dustin movie makes it to Final 4
OPEN RELATIONSHIP
Singer-actor din ang madalas na nakakasama ngayon ng low-profile actor.
Kahit labinlimang taon ang agwat ng kanilang mga edad, nagkakasundo sila.
Pero hindi seryoso o walang commitment ang relasyon nila.
Isang source ang nagsabi sa Cabinet Files na “open relationship” ang estado sa kasalukuyan ng relasyon ng low-profile actor at ng singer-actor kaya hindi umiiral sa kanila ang pagseselos.
Marami nang nakarelasyon na kapwa lalaki ang aktor.
Dahil low profile nga siya, ligtas na ligtas mula sa mapanuring mga mata at mapanghusgang tao ang mga nangyayari sa kanyang pribadong buhay.
NEW RELATIONSHIP
Ang dating karelasyon ng low-profile actor ay boyfriend ngayon ng isang 30--plus dramatic actor.
Kahit matagal na silang hiwalay, magkaibigan pa rin sila—isang patunay na pinahahalagahan niya ang mga lalaking minahal at naging malaking bahagi ng kanyang buhay.
Pero may plot twist dahil open relationship na rin ang estado ngayon ng ugnayan ng dramatic actor at ng ex-boyfriend ng low-profile actor.
Read: Mandy Moore, hot topic ngayon dahil sa kanyang new look