PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine at Mark Anthony, muling magsasama sa Totoy Bato

Claudine, inunahan ang TV5 sa pag-aanunsiyo ng pagpasok niya sa Totoy Bato.
by Jojo Gabinete
Published Oct 13, 2025
claudine barretto mark anthony fernandez totoy baato
Former lovers Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite on screen for the TV5 primetime series Totoy Bato.
PHOTO/S: Claudine Barretto Instagram

Si Claudine Barretto ang bagong karagdagan sa cast ng Totoy Bato, ang action-drama primetime series ng TV5 na pinagbibidahan ni Kiko Estrada.

Ito ang muling pagsasama nila sa isang proyekto ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

“Diamond” ang pangalan ng karakter na gagampanan ni Claudine sa Totoy Bato, at nag-umpisa na ang kanyang taping noong nakaraang linggo.

Natuwa ang mga tagahanga nina Mark at Claudine dahil magkasama ang dalawa sa Totoy Bato.

Read: Rufa Mae Quinto channels Vice Ganda in funny YFSF performance

Marami ang nag-aakalang ang drama series na ito ng Kapatid Network ang reunion project ng kanilang mga hinahangaang artista makalipas ang matagal na panahon.

Ngunit sa kaalaman ng lahat, ang Deception, ang pelikulang mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at ipinalabas sa Vivamax noong Disyembre 2021, ang reunion project nina Mark at Claudine.

Maaaring nalimutan ng mga tagasuporta nina Claudine at Mark ang pelikulang ginawa ng dalawa noong 2021 dahil panahon pa ito ng coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Oscar-winning actress Diane Keaton dies at 79

CLAUDINE-MARK PICTORIAL BEHIND THE SCENES

Ibinahagi ni Claudine sa kanyang social media pages ang mga video na kuha mula sa pictorial ni Mark para sa Totoy Bato.

Umani ng libu-libong likes at komento mula sa kanilang mga tagahanga na ikinagalak nang husto ang pagtatambal nila sa isang drama series.

Wala pa sa plano ng TV5 na ilabas ang balita tungkol sa proyektong pagtatambalan nina Claudine at Mark kaya may pinairal silang embargo.

Pero nauna nang nag-post ang aktres sa social media pages nito dahil alam niyang ikatutuwa ng mga tagasuporta nila ng kanyang dating karelasyon ang kanilang pagsasama sa Totoy Bato.

Read: Michael Roy Jornales admits he's very different from son Heath Michael

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former lovers Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite on screen for the TV5 primetime series Totoy Bato.
PHOTO/S: Claudine Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results