Natapos na ang kontrata ni Matteo Guidicelli sa GMA Public Affairs kaya walang problema sa pagpirma niya ng kontrata bilang lifestyle, sports, at entertainment anchor ng Agenda, ang flagship news program ng Bilyonaryo News Channel.
Ginanap ang contract signing ni Matteo nitong Lunes nang hapon, Oktubre 13, 2025.
Kasama niyang pumirma ng kontrata ang senior vice-president ng Bilyonaryo News Channel na si Cheryl Favila at ang SVP Sales & Marketing head na si Maria Fatima Baylon.
Read: Michael Roy Jornales admits he's very different from son Heath Michael

“Walang overlapping,” paglilinaw ni Matteo tungkol sa kanyang paglipat sa Agenda.
“This is different. Basta here in Agenda, newscasting. Walang overlapping.
"At the end of the day, ABS-CBN, GMA, Bilyonaryo, we’re telling Filipino stories. Me, personally, that’s my intention.
“I started realizing, when I joined the army six years ago, I want to tell the Filipino story. There’s a lot of stories that are untold kumbaga.
“Pumasok ako sa AFP, sa army, six years ago. Naranasan, ginawa ko ang ginawa nila.
"Maraming mga kuwento doon na masarap sabihin, masarap ikuwento."
Read: Oscar-winning actress Diane Keaton dies at 79
MATTEO GUIDICELLI IS THANKFUL TO UNANG HIRIT
Si Matteo ay dating napapanood bilang isa sa mga co-host ng Unang Hirit, ang early morning program ng GMA-7.
Nahasa raw nang husto sa Unang Hirit ang kakayahan niya sa TV hosting kaya hindi na bago para sa kanya ang mga gagawin sa Agenda.
Nagpapasalamat si Matteo sa mga dating kasamahan sa programang pinanggalingan niya.

Saad niya: “I was doing Unang Hirit. I am very thankful to the Unang Hirit team. I love them.
“I think here [in Agenda], it’s more Taglish, kasi minsan nahihirapan tayong mag-Tagalog kasi Bisaya tayo.
"So I’m very excited for this new platform also.”
Makakasama ni Matteo ang mga news anchor ng Agenda na sina Korina Sanchez, Willard Cheng, at Pinky Webb.
Pag-amin ng actor-TV host, nakakaramdam siya ng kaba dahil ngayon pa lamang niya makakatrabaho ang mga batikang broadcast journalist.
“Kinakabahan din kasi hindi pa tayo nag-start but I am looking forward, excited,” sabi ni Matteo.
Tinanong ng Cabinet Files si Matteo kung gaano siya kabilyonaryo.
“Sa puso, sa pagmamahal,” mabilis na sagot niya.
Read: Paolo Contis bonds with daughters, Lian Paz, John Cabahug in Cebu
Kasama ni Matteo na humarap sa mga miyembro ng media, matapos mangyari ang pagpirma nila ng kontrata, si Cheryl Favila.
Ayon kay Cheryl, mapapanood si Matteo sa Agenda bago sumapit ang Pasko.
Aniya: “For Agenda, Matteo will be joining us once or twice a week for our flagship newscast.
"So he will be basically delivering sports, lifestyle, and entertainment stories. We have others plans for him. For now, it’s Agenda.
“Of course, we’d like him to do other things for us. Something that he has not done before. We are very pleased that Matteo has decided to join us.”