Magiging makabuluhan ang nalalapit na pagdiriwang ni Cathy Sanchez-Babao ng kaarawan sa linggong ito dahil malapit nang ilunsad ang libro niyang Friday’s Child.
Ito ang aklat na isinulat niya bilang parangal at pagbibigay-pugay sa kanyang ina, ang veteran actress na si Caridad Sanchez.
Si Cathy ay isang award-winning author, grief coach, at mental health advocate.
Read: 48th Gawad Urian: Dennis Trillo wins Best Actor for Green Bones
Pinili raw niya ang pamagat na Friday’s Child para sa aklat na kanyang akda dahil ipinanganak siya sa araw ng Biyernes.
Naging inspirasyon din niya ang nursery rhyme na "Monday’s Child":
Monday’s child is fair of face
Tuesday’s child is full of grace
Wednesday’s child is full of woe
Thursday’s child has far to go
Friday’s child is loving and giving
Saturday’s child works hard for a living
And the child that is born on the Sabbath day
Is bonny and blithe, and good and gay.
CATHY KEEPS HER PROMISE TO HER MOTHER
Pahayag ni Cathy sa Cabinet Files ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025: “Friday’s Child ang title kasi I was born on a Friday and it takes inspiration from a nursery rhyme.
“Ang motivation ko to write the book is really because I wanted to remember how Mommy was when I was a child, and also to keep a promise to her.
“Noong araw kasi, lagi niyang sinasabi na, ‘Write a book about me someday! So, heto na yon.
“I wrote and completed the book early this year while I was in the U.S.
“We split our time now between two countries, and when I am in the U.S. is when I am able to write a lot more.
“Some of the stories na post ko sa Facebook but there are many new ones in the book.”
Ipinagdiwang ni Caridad ang kanyang ika-92 kaarawan noong Agosto 1, 2025.
Ang librong buong pagmamahal na isinulat ni Cathy ang isa mga tiyak na pinakamahalagang regalo na matatanggap niya dahil katuparan ito ng kanyang kahilingan.
Sa edad na 92, hindi na aktibo si Caridad sa pag-arte at nananatili na lamang ito sa bahay.
Pero ginagawa ng kanyang mga anak ang lahat para maging masaya siya at manatiling komportable.