PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabin at Angela, nag-break sa shooting para sa Cup of Joe concert

Direk Crisanto Aquino, puring-puri ang professionalism ni Rabin Angeles.
by Jojo Gabinete
Published Oct 15, 2025
rabin angeles angela muji
Rabin Angeles and Angela Muji took a break from filming A Werewolf Boy in Batangas to catch the second day of Cup of Joe’s concert at the Araneta Coliseum on October 11, 2025.
PHOTO/S: Instagram

Nag-umpisa ang lock-in shooting nina Rabin Angeles at Angela Muji sa Taal, Batangas, para sa mga eksena nila sa launching movie ng kanilang loveteam, ang A Werewolf Boy, noong Oktubre 1, 2025.

Pero noong Sabado, Oktubre 11, lumuwas sila sa Quezon City para panoorin ang ikalawang gabi ng Stardust, ang matagumpay na concert ng Cup of Joe sa Araneta Coliseum.

Hindi pinalampas nina Rabin at Angela ang pinag-uusapang concert ng Cup of Joe dahil mga tagahanga rin sila ng sikat na banda.

Matapos suportahan ang Cup of Joe concert, muling bumalik sina Rabin at Angela sa Taal, Batangas, para sa pagpapatuloy ng shooting ng proyekto.

Read: Cup of Joe takes fans on a cosmic journey in Stardust concert

A WEREWOLF BOY DIRECTOR ON RABIN AND ANGELA

Kahit kabado para sa kanilang starring roles, nagpapasalamat sina Rabin at Angela dahil ipinagkatiwala sa kanila ng Viva Films ang pagbibida sa pelikula — na pinangunahan ng Korean superstars na sina Song Joong-ki at Park Bo-young noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nagtambal at nabuo ang loveteam nina Rabin at Angela sa hit romantic series na Seducing Drake Palma ng Viva One.

Ang direktor ng Seducing Drake Palma na si Crisanto Aquino ang siya ring namamahala sa A Werewolf Boy kaya kilalang-kilala na ng direktor ang ugali nina Rabin at Angela.

Unang nakatrabaho ni Direk Crisanto si Rabin sa Instant Daddy, ang pelikula ni Jerald Napoles na ipinalabas sa mga sinehan noong Oktubre 2023.

Read: Kathryn Bernardo's Influential award draws mixed reactions from netizens

Puring-puri ni Crisanto si Rabin dahil sa propesyunalismo na ipinakikita umano nito — mula nang magkasama sila sa Instant Daddy hanggang sa Seducing Drake Palma at A Werewolf Boy.

Lahad ng direktor: “Nakasama ko na siya sa Instant Daddy before pero very minor pa yung character niya.

"So, nung nagkita kami sa Seducing Drake Palma, natuwa naman ako kasi nakita ko siyang mas nag-mature as a person, as an actor, tsaka mas umangat na yung role niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Rabin is very professional. Sobrang professional ng batang to.

"Nakikita mo yung dedication niya as an actor. Hindi siya nale-late.

"Alam niya yung dialogues niya, alam niya yung eksena, alam niya yung character."

Read: Lala Vinzon accused of perjury, defamation by former partner

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabin Angeles and Angela Muji took a break from filming A Werewolf Boy in Batangas to catch the second day of Cup of Joe’s concert at the Araneta Coliseum on October 11, 2025.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results