Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood sa isang anthology movie ang respected at multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho.
Pero ang sarili at hindi ang ibang katauhan ang kanyang gagampanan.
Si Jessica ang narrator sa KMJS Gabi ng Lagim: The Movie, ang 20th anniversary presentation ng kanyang top-rating news magazine show sa GMA-7.
Ang "Gabi ng Lagim" ang annual Halloween TV special ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Noong Pebrero 4, 2024, ibinalita at kinumpirma ni Jessica na magkakaroon ng movie version ang nasabing palabas.
Read: Jessica Soho reminds 2025 UP graduates: “Huwag maging MAYABANG.”
THREE HORROR STORIES
Ang GMA Pictures at GMA Public Affairs ang producers ng KMJS Gabi ng Lagim: The Movie.
Tampok dito ang tatlong kuwento ng sindak, hilakbot, at lagim o mga paranormal na karanasang nangyari sa tunay na buhay.
Mga bida sa horror anthology movie sina Jillian Ward, Miguel Tanfelix, Sanya Lopez, at Elijah Canlas.
Sina Dodo Dayao, King Mark Baco, at Yam Laranas ang mga direktor.

Sa teaser na inilabas ng GMA Pictures, split second lamang ang ipinakitang eksena ni Jessica, pero sapat na ito para mapukaw ang interes ng manonood sa kanyang unang paglabas sa pelikula.
Isa si Miguel sa mga nag-post sa kanyang social media page ng teaser ng KMJS Gabi ng Lagim: The Movie.
View this post on Instagram
May mga maling akalang bahagi pa rin ito ng annual Halloween special ng Sunday primetime program ni Jessica, kaya mahalagang ipaalala sa lahat na mapapanood sa mga sinehan at hindi sa telebisyon ang naturang proyekto.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang "debut movie" ni Jessica sa Nobyembre 26, 2025.
Read: Emma Mary Tiglao clinches back-to-back Miss Grand International crown for the Philippines