Ipinagluluksa ni Ogie Alcasid ang pagpanaw ng Pinoy Dream Academy Season 1 contestant na si Davey Langit.
Binawian ng buhay si Davey noong Oktubre 21, 2025.
Hindi makapaniwala si Ogie sa maagang pagkawala ni Davey, na isa sa mga talent ng kanyang Alcasid Total Entertainment & Artist Management Inc. o ATEAM.
Opisyal na ipinakilala ni Ogie si David bilang contract singer ng kanyang talent management agency noong Setyembre 2014.
Read: Former Pinoy Dream Academy contestant Davey Langit dies
OGIE ALCASID'S MESSAGE FOR DAVEY LANGIT
Sa mensahe ng pamamaalam niya kay Davey, inilahad ni Ogie ang paghanga at pagmamahal sa kanyang inaanak.
Ibinahagi rin ni Ogie sa Facebook page nito ang video ni Davey na masayang-masaya dahil sa sorpresang ipinadala niya nang manalo ang American basketball team na Oklahoma City Thunder.
“Davey… hindi pa rin ako makapaniwala. Ito yung pinadala mo na video sa akin nung natanggap mo surprise ko sa yo nung nanalo OKC. Ang saya saya mo,” umpisa ng mensahe ng pamamaalam ni Ogie sa kanyang kapwa singer-songwriter.
“Marami kami na nagmamahal sa yo at humahanga sa galing mo sa pagsulat at pag-awit. Higit sa lahat sa napakabuti mong puso.
“Magka-text lang tayo ilang linggo lamang ang nakalipas. Nakakalungkot at nakakabigla.
"Lubos kaming nakikiramay kay Therese at sa yong mga mahal sa buhay. Lalo na si Aikee [kapatid ni Davey] na kausap ko kaninang umaga.
"Rest in peace inaanak. Sing with the angels.”
Read: Jillian Ward, sinagot ang alegasyong ibinubugaw siya ng sariling ina
View this post on Instagram
DAVEY'S FACEBOOK POST
Spondylodiscitis ang karamdaman ni Davey.
Isinapubliko niya ang kalagayan ng kanyang kalusugan sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Agosto 28, 2025.
Lahad ni Davey: “I've been diagnosed with spondylodiscitis, a spine infection around my thoracic 8 vertebrae. Here in the hospital for three days now.
“After kasi ng MRI, kailangan ng CT-scan and biopsy procedure to determine what we're dealing with exactly and para malaman din ano course of action moving forward.
“Grateful for my wonderful wife who's been my anchor throughout all of this. For taking care of me and every single thing I couldn't do 24/7. Thankful as well for family and friends who have reached out and extended love, well wishes and help to us. For constantly reminding us that we are loved.
“Ang dami ko nang nami-miss gawin, hehe. Gumalaw-galaw, tumugtog at kung anu-ano pa. Pero mas marami akong mami-miss in life kung hindi ko ito uunahin. Salamat ulit sa mga mensahe't pananalangin ninyo! Be back soon.”
Read: Tessa Prieto posts P120K bail for estafa rap; insists, "I'm a victim."