PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gomez, naluha nang makasalamuha ang showbiz reporters

Richard Gomez, nagbabalik sa pelikula matapos ang pitong taon.
by Jojo Gabinete
Published Oct 29, 2025
richard gomez emotional
Richard Gomez turns emotional during the media conference for his comeback film Salvageland, admitting he truly missed the entertainment press. “Na-miss ko talaga kayo. Naiiyak ako. Na-miss ko lang kayo,” he says.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ikinagulat ng entertainment press ang pag-iyak ni Richard Gomez habang kinakausap nila ang actor-politician bago nag-umpisa ang press conference ng comeback film niyang Salvageland.

Ginanap ang presscon sa VIP Cinema ng Fisher Mall, sa Quezon City, nitong Martes ng hapon, Oktubre 28, 2025.

“Na-miss ko talaga kayo. Naiiyak ako. Na-miss ko lang kayo.

"Siyempre ang tagal kong artista, di ba? Masarap bumalik sa home turf.

"Same with you guys, ang tagal kong nakatrabaho, and then I’ve seen you again, it’s wonderful,” sabi ni Richard habang pinupunasan ng kamay nito ang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

Read: Former actor Patrick dela Rosa dies at 64

THE DIFFERENCE BETWEEN SHOWBIZ AND POLITICS

Dahil sa pag-iyak ni Richard, itinanong sa kanya ng Cabinet Files ang pagkakaiba ng mundo ng politics at ng showbiz na pinanggalingan niya.

Si Richard ay nasa kanyang ikalawang termino bilang congressman ng fourth district ng lalawigan ng Leyte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ito, naging mayor siya ng Ormoc City, Leyte, mula 2016 hanggang 2022.

“Masarap, masaya sa pelikula,” sagot ni Richard habang nagpupunas pa rin ng kanyang luha.

“Actually sa politics, masaya lang yung politics kapag nandoon ka sa district mo kasi you’re able to bring projects.

"Nadadala mo yung mga programs para sa mga tao.

"Pero in Congress, okay lang. It’s like school pero iba kapag nasa bahay ka."

Dagdag niya, “Dito naman sa showbiz, nami-miss ko yung mga tsika-tsika.

"Oo talaga, it’s nice to be with you guys.”

Sumang-ayon si Richard nang sabihin ng Cabinet Files na utang na loob niya sa showbiz ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

“Oh, yeah, yeah,” reaksiyon niya.

“Kung ano yung mga accomplishment ko, kung ano yung mga magagandang nagagawa ko, the people know that because I am a politician.

"Naging politician lang ako dahil sa pag-aartista ko."

Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RICHARD GOMEZ COMEBACK FILM

Pitong taon na ang nakalilipas mula nang ipalabas sa mga sinehan ang Three Words To Forever (2018), ang huling pelikula ni Richard, kasama sina Sharon Cuneta at Kathryn Bernardo.

Ngayon ay nagbabalik siya sa big screen sa pamamagitan ng Salvageland, na pinagbibidahan nila ni Elijah Canlas.

Natagalan ang pagbabalik ni Richard sa pag-arte dahil sa kanyang mga responsibilidad bilang politiko.

“Di ba, nag-mayor pa ako? Yung last movie na ginawa ko, mayor pa ako. Kami ni Sharon, Three Words To Forever.

“Even before, nung very active pa ako sa movies, very script-based yung mga ginagawa kong movie.

"Nung dumating ang script na ito [Salvageland], ang ganda ng movie na ito.

“Nung tiningnan ko yung schedule, tamang-tama, ang gulo-gulo sa Congress.

"Sabi ko, 'Out muna ako diyan. Bahala kayo sa gulo ninyo, magtatrabaho ako dito. I will do a movie.'

"In the midst of the turmoil in Congress, nakatapos ako ng isang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s mirroring life, basically society.

"Kami ni Elijah, nasa police force kami, so makikita mo yung trabaho ng pulis.

"Kasama rin dun yung may corruption sa government. Yung mga ganoong similar na problema, so nami-mirror iyon."

Dagdag ni Richard: “It’s wonderful to be back in my own turf as an actor.

"Mabuti na lang recess kami ngayon [sa Congress].

"Pahinga muna kaya medyo tahimik yung Congress ngayon, sa Senate lang ang maingay.

"Tahimik lahat sa Congress ngayon."

Read: Heart Evangelista’s personal assistant rants against Vice Ganda

RICHARD ON MEMORIZING HIS LINES

Hindi itinanggi ni Richard na nahirapan siyang magmemorya ng kanyang mga linya para sa Salvageland dahil matagal na panahon na ang nakararaan mula nang gawin niya ang Three Words To Forever.

Lahad niya: “In fact, yung first two days ko, sabi ko kay Pia, yung manager ko, ‘Pia, kailangan kong mag-warm up kasi ang tagal kong hindi nag-artista.’

“Alam mo yung trabaho namin, we memorize pages and pages of lines, and I haven’t done that in a long time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yung first two days ko, parang hirap na hirap akong mag-memorize. Until nakuha ko uli yung routines.

"I really have to go through the whole script then re-read, re-read.

"Then I was acting alone. I was doing my lines. Okay naman.

“My character is a policeman about to retire. Dalawa yung istorya namin dito actually.

"Anak ko si Elijah, siya naman yung budding policeman."

Si Lino Cayetano ang direktor ng Salvageland, ang comeback movie ni Richard na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa Nobyembre 26, 2025.

Read: Is Enrique Gil dating a young content creator?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez turns emotional during the media conference for his comeback film Salvageland, admitting he truly missed the entertainment press. “Na-miss ko talaga kayo. Naiiyak ako. Na-miss ko lang kayo,” he says.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results