PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tatlong air assets ni Zaldy Co, naitakas na sa ibang bansa

Nagkakahalaga umano ang tatlong aircraft ng PHP3 billion.
by Jojo Gabinete
Published Oct 29, 2025
zaldy co air assets
Authorities confirm that three aircraft linked to former Congressman Zaldy Co—a Gulfstream 350 jet and two AgustaWestland AW139 helicopters—have already left the Philippines.
PHOTO/S: Facebook / Internet

Kumpirmadong nailabas na mula sa Pilipinas ang tatlo sa sampung sasakyang panghimpapawid na pag-aari ni Zaldy Co.

Kabilang si Co sa congressmen at contractors na inaakusahan ng pagnanakaw ng bilyun-bilyong piso mula sa pondo ng gobyerno para sa flood control projects.

Si Co ang dating Ako Bicol Party-list representative na nagbitiw sa tungkulin noong Setyembre 29, 2025.

Hindi na bumalik si Co sa bansa mula nang umalis siya papunta sa Amerika noong Hulyo 2025 para magpagamot umano.

Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals

Kinumpirma ni Raul del Rosario, director general ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na nailipad na palabas ng bansa ang mga eroplano ni Co.

Natunton ng CAAP sa Kota Kinabalu, Malaysia, ang dalawang AgustaWestland AW139 helicopter ni Co na nagkakahalaga ng halos USD16 million o PHP939.8 million ang bawat isa.

augustawestland helicopter
An AgustaWestland AW139 costs around US$16 million
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilipad naman sa Singapore ang Gulfstream 350 jet na may presyong USD36 million o PHP2.113 billion.

gulfstream 350
A Gulfstream 350 is priced at US$36 million.

May kabuuan na USD74.650 million o may katumbas na PHP4.4 bilyon ang halaga ng mga air asset ni Co na ginagamit umano para sa transportasyon ng mga VIP patungo sa pag-aari nilang marangyang resort sa Albay, Bicol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

ZALDY CO'S AIR ASSETS

Ayon kay Del Rosario, hindi puwedeng ipagbili ang mga air asset ni Co dahil nakarehistro ito sa Pilipinas.

Sinubukan umanong i-deregister o alisin sa talaan ang mga eroplano ni Co pero hindi nangyari dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng CAAP.

Ipinaliwanag ni Del Rosario na maaari lamang magkaroon ng isang pambansang rehistrasyon ang bawat eroplano kaya hindi ito puwedeng iparehistro sa ibang bansa.

Naniniwala ang CAAP na may intensiyong ibenta ang air assets ni Co kaya tinangka itong alisin sa talaan ng kanilang tanggapan.

Sa kasamaang-palad, wala pang kapangyarihan ang CAAP na kumilos para makagawa ng aksyon tungkol sa mga panghimpapawid na sasakyan ni Co dahil hindi pa natatanggap ng naturang ahensya ang freeze order mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

“As of now, we are monitoring their movements, but we have not received any notice of a freeze order from the AMLC,” ani Del Rosario.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Idinagdag ni Del Rosario na kapag naglabas ng freeze order ang AMLC, magiging madali sa pamahalaan ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa foreign civil aviation para maipatupad sa ibang bansa ang nabanggit na utos.

Si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang nagsiwalat sa isang press conference noong Setyembre 2025 ng listahan ng air assets ni Co, na ibinigay sa kanya ng CAAP.

Read: Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co

Nakarehistro ang air assets sa Misibis Aviation & Development Corporation na pinamumunuan ni Michael Ellis Co, ang rap artist at fashion designer na anak ni Co.

Idineklara ni Ellis sa isang pahayag na kinokondena niya ang korapsyon, matagal na siyang namumuhay nang solo, at walang kaugnayan sa mga political activities ng kanyang ama.

Lumilitaw na wala itong katotohanan dahil sa mga impormasyong naglalabasan.

Noong Setyembre 26, 2025, inilahad ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela ang kanyang pag-aalala tungkol sa lumalaking agwat sa pagitan ng mga marangyang kagamitan sa himpapawid na pag-aari ng isang mambabatas at ng limitadong fleet na ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Coast Guard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Tarriela: “While I do not accuse anyone of wrongdoing or guilt, it is disheartening to see a legislator possessing numerous air assets.

“It is an open book that the Philippine Coast Guard is equipped with only three fixed-wing aircraft and two helicopters for our critical maritime domain awareness flight in the West Philippine Sea and across our nation's maritime jurisdiction.”

Lalong nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino na maparurusahan ang mga contractor at mambabatas na sangkot sa mga anomalya sa flood control projects dahil sa kumpirmadong balitang nailabas mula sa Pilipinas ang tatlo sa sampung sasakyang panghimpapawid na pag-aari ni Zaldy Co.

Read: Zaldy-Mylene Co renewal of vows sa Vatican City, muling lumitaw

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Authorities confirm that three aircraft linked to former Congressman Zaldy Co—a Gulfstream 350 jet and two AgustaWestland AW139 helicopters—have already left the Philippines.
PHOTO/S: Facebook / Internet
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results