May epekto kay Elijah Canlas at sa kanyang ama ang mga balita tungkol sa pagpanaw ni Emman Atienza, ang anak ng TV host na si Kim Atienza.
Pumanaw si Emman sa edad na 19 noong Oktubre 22, 2025.
Ayon kay Elijah, nanumbalik daw ang trahedyang nangyari sa pamilya nila dalawang taon na ang nakararaan, ang pagkawala ng kapatid niya na si JM Canlas na nagkaroon din ng problema sa mental health.
“Bumalik… bumalik yung memories,” sabi ni Elijah nang makausap siya ng Cabinet Files bago nagsimula ang media conference ng Salvageland noong Martes, Oktubre 28.
“Yung dad ko, nagkaroon ng relapse, anxiety, and depression also."
Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17
MENTAL HEALTH ISSUE
Panahon na raw upang pag-usapan ang seryosong usapin tungkol sa mental health.
Paliwanag ni Elijah: “Yun talaga, e. Parang wake-up call siya sa atin every time na may mga balitang lalabas na ganito.
"And sana hindi na tayo mawalan ng mga buhay, lalo na sa mga kabataan, dahil sa mga problemang ito.
“Sana seryosohin natin. Simulan natin yung diskusyon.
"Huwag tayong matakot na pag-usapan ang mental health dahil necessary ito at buhay ang nakasalalay dito."
Tinanong ng Cabinet Files kung may epekto sa mental health niya ang mga karakter na kanyang ginagampanan sa pelikula at drama series.
Tugon ni Elijah: “Nakakaapekto din siya. But I guess with the proper training and experience, masasanay ka na lang din po to learn how to detach and attach to the character that you play.
“Pero at this point, kinakaya ko na rin pong mag-detach easily.
"But I’ve been talking to a lot of actors, especially the young ones who have difficulty detaching from their characters, separating what’s real and what’s not.
"Pero ma-e-experience din naman nila yan eventually kapag paulit-ulit.
“Masasanay na lang din po yung mga aktor na trabaho lang ito and hindi dapat nakasalalay yung buhay natin sa mga ginagawa natin.”
Read: Social media influencer Emman Atienza dies at 19
ELIJAH CANLAS ON KEEPING HIMSELF BUSY
Malaking tulong daw para kay Elijah ang pagiging abala sa mga proyekto at sa non-profit foundation na itinatag nila ng kanyang mga magulang para malibang siya at matakasan ang kalungkutang dulot ng pagkamatay ng kapatid niya.
“I like being busy," sabi ng aktor.
"It keeps me not really distracted but when I’m busy, I think less of the grief or whatever anxieties I have.
"And when I’m on set or just doing what I love to do, yun ang nag-e-equate sa happiness."
Pagpapatuloy niya: “It’s been two years since my brother passed away, it’s really hard to process. Of course, grief is non-linear. It comes and goes.
“Minsan you’re okay and then the next hour may makikita ka or may maaalala ka, mas biglang bumababa yung emotions and energy.
"But I try to use it for the better. Use it as inspiration, to do better sa mga project and pumili ng mga bagay na matutuwa ako.
“My family and I established a non-profit organization called Kulit, The JM Canlas Organization.
"My brother passed away two years ago because of mental health problems and siyempre, ever since that happened, we’ve been trying to help more people, especially the youth sector, mga adolescent who are going through the same thing and, hopefully, save more lives and be there for each other.”
Read: Elijah Canlas pays tribute to late brother JM: "This world does not deserve you."
ELIJAH VS ELIJAH
Ang Salvageland at ang KMJS: Gabi ng Lagim The Movie ang dalawa sa mga proyektong pinagkakaabalahan ni Elijah.
Nagulat si Elijah nang malaman niyang magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa Nobyembre 26 ang mga pelikulang kanyang pinagbibidahan.
Saad niya: “I didn’t know how to feel. Actually, nagtanong po ako.
"Tinanong ko si Direk Lino Cayetano [Salvageland director], even my producers and filmmakers from Gabi ng Lagim if that’s a good thing, I have two films showing on the same day.
“Kasi, most of the time, you wanna focus on promoting one film at a time.
"But I find it as a blessing. I’m proud na may dalawang lalabas and if people decide to watch both films, they would see different flavors of me.”