Sa pambihirang pagkakataon, nakunan ng video at larawan si Eman Bacosa Pacquiao na kasama ang kanyang ama, ang Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao, at ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao.
Nangyari ang pagkikita at pagsasama ng tatlo sa "Thrilla in Manila 2" na naganap sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City, noong Miyerkules, Oktubre 29, 2025.
Proyekto ng MP Promotions (MPP) ni Manny ang "Thrilla in Manila 2" bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng "Thrilla in Manila" — ang pinag-usapan at kontrobersiyal na boxing match sa pagitan nina Muhammad Ali at Joe Frazier na idinaos din sa Araneta Coliseum noong Oktubre 1,1975.
Nakunan ng video ng Sports On Air ang bihirang pagkakataon at heartwarming scene nina Eman, Manny, at Jinkee.
Umani ng mga papuri si Eman dahil nakunan ng video ang paglapit niya kina Manny at Jinkee para bumati at magbigay-pugay.
Read: Senators’ SALN Reveal: Who’s the Richest? Who’s the Poorest?
EMAN BACOSA WINS FIGHT AGAINST NICO SALADO
Kabilang si Eman sa mga lumaban ng boksing sa "Thrilla in Manila 2."
Tinalo niya via unanimous decision ang kanyang katunggaling si Nico Salado ng Bohol, sa score na 58-55, 58-5, 60-53.
Ipinamalas ni Eman na minana nito mula sa kanyang ama ang husay sa boksing.
Sa panayam sa 21-year-old son ni Manny, inialay niya ang tagumpay sa Panginoong Diyos.
Saad niya: “Unang-una, gusto kong magpasalamat sa Panginoong Diyos natin dahil sa pagbigay Niya sa akin ng proteksiyon at paggabay Niya sa akin sa tagumpay.
“Maraming salamat po din sa mga sumusuporta.
"Thankful po ako kay God at tsaka masayang-masaya.
"Confident po ako na mananalo. Pero sabi kasi ng coach ko na huwag masyadong gigil, huwag masyadong habol sa knockout kasi darating din po yon.
“Para po sa Panginoong Diyos natin. Para po ma-glorify yung pangalan Niya at maipakita ko po sa inyong lahat na walang imposible sa Panginoong Diyos natin.”
Read: Who is Eman Bacosa, rising star of Philippine boxing?
Si Eman ang anak ni Manny kay Joanna Rose Bacaso, ang waitress na nakarelasyon ng world boxing champion noong 2003.
Isinilang si Emman noong Enero 2, 2004.
Emmanuel Joseph ang pangalan na ibinigay sa kanya.
Hindi nagsasalita si Jinkee tungkol kay Eman, pero marami ang nakakaalam na tanggap niya ang anak ng kanyang asawa sa ibang babae.
Diumano, siya pa ang nag-udyok kay Manny na suportahan ang anak nito kay Joanna.
Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates