PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DPWH chief: Discaya couple tiyak na sa kulungan magpa-Pasko

Luxury cars ng mga Discaya, ipapa-auction ng Bureau of Customs.
by Jojo Gabinete
Published Oct 30, 2025
curlee and sarah discaya christmas
DPWH Secretary Vince Dizon (not in photo) expresses confidence that contractors Curlee and Sarah Discaya will spend Christmas in jail as the Ombudsman moves to file cases over alleged anomalous flood-control projects.
PHOTO/S: YouTube

Star-studded, magarbo, at ginastusan ang Christmas party ng mga empleyado ng St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation noong Disyembre 2024.

Pag-aari ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya ang naturang kompanya na sangkot sa mga anomalya sa flood control projects na bilyun-bilyong piso ang halaga.

Milyun-milyong piso ang ginastos nina Sarah at Curlee sa company Christmas party nila noong nakaraang taon.

Bukod sa mga pagkain at raffle prizes, milyun-milyong piso rin ang ibinayad nila sa mga artistang inimbitahan para magtanghal.

Isang sikat na showbiz personality ang tumanggap ng talent fee na PHP1.8 million mula sa mga Discaya para haranahin lamang ang mga dumalo sa Christmas party ng kanilang kompanya.

Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead

DISCAYA COUPLE TO BE JAILED BEFORE CHriSTMAS?

Pero ngayong Disyembre 2025, malaki ang posibilidad na hindi na magdaos ng Christmas party ang kompanya ng Discaya couple.

Isang nakapanlulumong balita para sa mag-asawa ang inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon — makukulong sina Sarah at Curlee bago sumapit ang Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang unang kasong malamang ipa-file ng Ombudsman ay yung kaso na ipinayl ng DPWH noong September 13, if I’m not mistaken.

“Ito yung sa Bulacan First District, 26 people, DPWH and contractors.

"Yung kasong iyon, sa aming palagay sa DPWH ay solid na solid.

"Kaya nga kapag ako’y tinatanong ngayon, sinabi na rin ng Ombudsman na by November 25.

"Kaya kampante kami na yung [November] 26 na iyon, sa kulungan magpa-Pasko kasi non-bailable iyon.

“Twenty DPWH personnel and five contractors, including Sarah Discaya," pahayag ni Dizon sa mga miyembro ng media na nakausap niya ngayong Huwebes, Oktubre 30, 2025.

Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde

DISCAYA LUXURY CARS TO BE AUCTIONED

Sunud-sunod ang mga dagok sa buhay nina Sarah at Curlee dahil hindi lamang ang nakababahala at nakaambang pagkakakulong ang kanilang kinahaharap.

Ngayong Huwebes, inanunsiyo ng Bureau of Customs (BOC) ang nakatakdang pagsusubasta sa pitong luxury vehicles na pag-aari nila at ipinagmalaki sa panayam sa kanila ni Julius Babao noong Setyembre 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magaganap ang auction ng mga mamahaling sasakyan ng mga Discaya sa Nobyembre 15, 2025.

Kabilang sa mga ibebenta ng BOC ang Rolls-Royce Cullinan na PHP42 million ang presyo at binili ni Sarah dahil natuwa ito sa payong na kasama ng sasakyan.

Read: BIR, iniimbestigahan na ang luxury cars ng mga Discaya

Tiniyak ni BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo na kabilang ang payong sa mga isusubasta.

"Yes, yun [Rolls-Royce] yung may payong. Yes, andoon pa yung payong.

"Marami nang nagpapa-reserve nung payong but accessory follows the principal so andoon din yung payong,” sabi ni Bendijo sa idinaos na press briefing tungkol sa mga luxury vehicle ng Discaya couple.

Hindi na tinutulan nina Sarah at Curlee ang pagbebenta sa kanilang mga sasakyan na kinumpiska ng BOC dahil wala itong import entry at certificate of payments.

Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DPWH Secretary Vince Dizon (not in photo) expresses confidence that contractors Curlee and Sarah Discaya will spend Christmas in jail as the Ombudsman moves to file cases over alleged anomalous flood-control projects.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results