Pumukaw ng atensiyon ng netizens ang larawan ni AJ Raval kasama ang isang batang babae sa Instagram post niya ngayong Biyernes, Oktubre 31, 2025.
Para sa kanyang Halloween pictorial, Darna costume ang ginamit ni AJ.
View this post on Instagram
Sa litratong kanyang ibinahagi, kasama ni AJ ang isang batang babae.
Pero hindi makikita ang kabuuan ng hitsura dahil tinakpan ito ng dating Vivamax sexy star ng heart emoji.
Sa isang larawan naman ay nakatalikod ang bata habang yakap at hinahalikan ito ni AJ.
Read: Aljur Abrenica at AJ Raval, itinangging may anak na sila

WHO IS THE MYSTERY YOUNG GIRL?
Marami ang nagduda na ang mystery young girl ang isa sa dalawang anak ni AJ at ng karelasyon nitong si Aljur Abrenica.
Tatlong taon na ang nakalilipas buhat nang umugong ang balitang buntis si AJ at nagsilang siya ng sanggol na babae noong Nobyembre 2022.
Pero sa isang panayam sa kanila noong Agosto 2024, tahasang itinanggi nina Aljur at AJ ang balitang nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
Muling naungkat ang isyung may mga anak ang dalawa dahil kinumpirma ito ni Jeric Raval, ang ama ni AJ.
Unang inamin ni Jeric na dalawa na ang apo niya kay AJ sa victory party ng kanyang pelikula noong Agosto 2023.
Read: Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ at Aljur
Sa guesting ni Jeric sa Fast Talk With Boy Abunda noong Setyembre 30, muli niyang sinabing dalawa na ang anak nina AJ at Aljur—isang babae at isang lalake.
Ayon kay Jeric, hindi sinasadya ang kanyang pag-amin dahil sa mga reporter na nagtanong at ayaw niyang magsinungaling.
Read: Jeric Raval "nadulas" sa pag-aming may mga anak na sina AJ, Aljur
Sa panayam kay Aljur sa isang press conference noong Oktubre 14, wala siyang inamin o itinanggi sa rebelasyon ni Jeric tungkol sa dalawang anak na inililihim nila ni AJ sa publiko.
Read: Aljur Abrenica, di pa kumportable pag-usapan ang mga anak kay AJ
Base sa mga larawang ibinahagi ni AJ sa Halloween post nito, posibleng tatlong taon ang batang babae na kasama niya.
Tumutugma ito sa edad ng sanggol na kanyang isinilang noong Nobyembre 2022.
Maaaring ang pagbabahagi ni AJ ng larawan ng bata ang unang hakbang ng kanyang unti-unting pag-amin sa publiko tungkol sa dalawang anak nila ni Aljur.