PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino, may mahalagang role sa Rabin-Angela movie

Lorna Tolentino, nagbabalik sa Viva Films.
by Jojo Gabinete
Published Nov 1, 2025
Lorna Tolentino, may mahalagang role sa Rabin Angeles-Angela Muji movie
Lorna Tolentino, kasama sa cast ng A Werewolf Boy na pinagbibidahan nina Rabin Angeles at Angela Muji.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez Instagram / Viva Films

Dalawang araw bago ang paggunita sa All Saints Day o Araw ng mga Santo, inilabas ng Viva Films ang official poster ng launching movie ng loveteam nina Rabin Angeles at Angela Muji, ang Philippine adaptation ng blockbuster 2012 South Korean movie na A Werewolf Boy.

Read: Rabin Angeles, Angela Muji todo ang workshop for A Werewolf Boy

Hindi nalalayo ang lay-out ng official poster ng pelikula nina Rabin at Angela sa poster ng South Korean film na pinagbidahan nina Song Joong Ki (Descendants of The Sun) at Park Bo Young (Strong Girl Bong Soon).

Song Joong Ki and Park Bo Young in A Werewolf Boy
Song Joong Ki and Park Bo Young in A Werewolf Boy
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa Filipino adaptation poster, ang pangalan ni Lorna Tolentino ang nakatawag ng pansin.

Kasama si Lorna sa cast ng launching movie ng RabGel loveteam at importante sa kuwento ang karakter na kanyang ginampanan.

Isang malaking karangalan para kina Rabin at Angela na tinanggap ni Lorna ang alok na maging bahagi ito ng kanilang pinakahihintay at pinapangarap na pagbibida sa pelikula.

Kung hindi pa inilabas ng Viva Films ang official poster ng Philippine adaptation ng A Werewolf Boy, hindi malalaman ng publiko na kasali si Lorna sa proyekto na nakatakda ang theatrical release sa Enero 2026.

Ibinahagi rin ni Lorna sa kanyang social media followers ang poster ng pelikula na hudyat ng muling pagbabalik niya sa Viva Films, ang film outfit na producer noon ng kanyang hit films.

Read: Rabin Angeles, ire-remake ang sikat na movie ni Song Joong Ki

LORNA TOLENTINO MOVIES UNDER VIVA FILMS

Ang Sinasamba Kita (1982), Init Sa Magdamag (1983), Sana Bukas Pa Ang Kahapon (1982), Maging Akin Ka Lamang (1987), Pusong Mamon (1998), Abakada…Ina (2001) at Felix Manalo (2015) ang ilan lamang sa maraming proyekto ni Lorna sa Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Narito Ang Puso Ko na ipinalabas sa mga sinehan noong Setyembre 30,1992 ang isa sa mga hindi malilimutan na pelikula ni Lorna sa Viva Films dahil sa kanyang grandslam victory nang manalo siya na best actress noong 1993 sa lahat ng mga award-giving body.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino, kasama sa cast ng A Werewolf Boy na pinagbibidahan nina Rabin Angeles at Angela Muji.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results