PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

In Memoriam: That's Entertainment stars

Naaalala niyo pa ba sila?
by Jojo Gabinete
Published Nov 1, 2025
In Memoriam: That's Entertainment stars who passed away including Isabel Granada, John Regala, and Francis Magalona
Matagal na panahon man ang lumipas, mananatili sila sa alaala ng mga manonood na nakilala sila sa sikat na '80s-'90s youth-oriented show na That's Entertainment.
PHOTO/S: That's Entertainment Facebook

Ginugunita ngayong Sabado, Nobyembre 1, 2025, ang All Saints Day.

At tulad ng mga nakaraan na taon, hindi nakakaligtaan ng mga tagahanga na bisitahin ang puntod ng kanilang mga iniidolo at namayapa na artista.

Ang libingan ni Rico Yan (Marso 14,1975-Marso 29, 2002) sa Manila Memorial Park, Parañaque City ang isa sa mga dinarayo ng kanyang mga tagasuporta.

Hindi nawawalan ng mga bumibisita sa mga puntod nina Julie Vega (Mayo 21,1968- Mayo 6,1985) at German Moreno (Oktubre 4,1933-Enero 8, 2016) sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Sa Manila North Cemetery, ang magkatabi na himlayan ng mag-asawang Fernando Poe, Jr. (Agosto 20,1939- Disyembre 14, 2004) at Susan Roces (Hulyo 28,1941-Mayo 20, 2022) ang pangunahin na atraksyon dahil sa mga kababayan natin na nagbibigay-pugay sa mga showbiz icon na tinagurian bilang King and Queen of Philippine Movies.

FPJ, remembered on All Soul's Day 2025
Fernando Poe Jr.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nananatiling buhay sa matatapat na tagahanga ni Nora Aunor (Mayo 21, 1953 – Abril 16, 2025) ang kanyang alaala. At kahit hindi All Saints Day, binibisita nila ang puntod at nag-aalay sila ng panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng nag-iisang Superstar na nakalibing sa Libingan ng Mga Bayani, Taguig City.

Nora Aunor, remembered on All Soul's Day 2025
Nora Aunor
Photo/s: YES! Magazine
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumadalaw rin tuwing All Saints Day sa huling hantungan ni King of Comedy Dolphy (Hulyo 25,1928-Hulyo 10,2012) at action superstar Rudy Fernandez (Marso 3,1952-Hunyo 7, 2008) sa Heritage Park, Taguig City ang mga taga-subaybay na nagmamahal sa kanila.

Dolphy, remembered on All Soul's Day 2025
Dolphy
Photo/s: File

May mga artista na namayapa tulad ng ilang mga miyembro ng That’s Entertainment na hindi napantayan ang popularidad nina Nora, Fernando, Susan, Julie, Rico, Rudy at Dolphy, pero hindi sila nakaligtaan na alalahanin ng kanilang mga kasamahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THAT'S ENTERTAINMENT STARS: IN MEMORIAM

Ngayong Sabado sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagbigay-pugay ang That’s Entertainment sa mga miyembro ng programa na sumakabilang-buhay.

In Memoriam: That's Entertainment stars who died
Photo/s: That's Entertainment

At karapat-dapat na bigyan ng pagpapahalaga ang mga alaala gaya nina Jon Hernandez, Strawberry, Ronnel Victor, Lester Samonte, Denver Razon, at Aileen Esguerra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
In Memoriam: That's Entertainment stars who died
Photo/s: That's Entertainment

Kasama rin sina Francis Magalona, Marco Polo Garcia, Richie Gonzaga, Abel Montenegro, Jonathan Darca, Filio Salazar, Dan Yniguez, Michael Angelo, at Marc Tejada.

In Memoriam: That's Entertainment stars who died
Photo/s: That's Entertainment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang-pugay din sina Isabel Granada, John Salve, Eddie Delos Santos, Romano Vasquez, John Regala, Ricky Rivero, at Ian Crosby.

In Memoriam: That's Entertainment stars who died
Photo/s: That's Entertainment

Pinakahuli si Piwee Polintan, ang vocalist ng Jeremiah band na namatay noong Oktubre 28, 2025 nang dahil sa stroke.

Nakatulong ang In Memoriam post ng That’s Entertainment para malaman ng masugid na manonood ng programa na namayapa na ang ilan sa mga miyembro na kanilang sinusuportahan pero wala na silang balita mula nang magpaalam sa telebisyon noong Mayo 1996 ang youth-oriented show na dati nilang tinatangkilik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagal na panahon man ang lumipas, mananatili sila sa alaala ng mga manonood na nakilala sila sa sikat na '80s-'90s youth-oriented show na That's Entertainment.
PHOTO/S: That's Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results