Bagong Kapatid ang Comedy Queen at Kapuso actress na si Ai-Ai delas Alas.
Pinayagan siya ng GMA-7 na tanggapin ang My Friend Emman, ang upcoming drama series ng TV5.
Nagpapasalamat si Ai-Ai sa home studio niya dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanyang makapag-explore at makatrabaho ang mga artista ng ibang TV network.
Isang drama-action-comedy ang My Friend Emman.
Makakasama ni Ai-Ai rito ang Kapamilya stars na sina JM de Guzman at Shaina Magdayao; pati na sina Sid Lucero at Mitch Valdes.
Ang Spring Films, Crown Studios, Cornerstone Entertainment, at MQuest ang mga producer ng proyekto na mula sa direksiyon ni Derick Cabrido.
Naganap ang story conference at look test ng mga artista ng My Friend Emman nitong Lunes, Nobyembre 3, 2025.
Nakatakdang mag-umpisa ang taping nila sa Nobyembre 10, at mapapanood ito sa TV5 sa susunod na taon.
Read: Anak ni Manny na si Eman Bacosa, binansagang "Piolo Pacquiao" ng netizens
AI-AI DELAS ALAS'S RETURN TO TV5
Excited si Ai-Ai sa pagbabalik niya sa TV5 dahil ito ang naging isa sa mga tahanan niya mula 1998 hanggang 2004.
Kasama si Allan K., si Ai-Ai ang host ng Sing Galing!, ang top-rating karaoke game show noon ng Channel 5.
Napilitan si Ai-Ai na iwanan ang programa nang papirmahin siya ng ABS-CBN ng exclusive contract.
Bago ang My Friend Emman, napanood recently si Ai-Ai sa Kapuso network sa pamamagitan ng 30th anniversary special ng Bubble Gang.
Umupo rin siyang muli bilang judge sa singing competition na The Clash, at nagkaroon din siya ng special appearance sa Mga Batang Riles.
Read: Will Ashley calls out bashers sending him hate messages; mulls legal move