Ipinararating ni Eman Bacosa Pacquiao, 21, ang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang karera bilang boksingero.
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, sinabi ni Eman: “Marami pong salamat sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa akin. Sana magpatuloy po kayo sa pagsuporta sa akin.
“Mas pagbubutihin at sisipagan ko pa po ang pag-eensayo para mag-improve pa po ako. GOD Bless po sa ating lahat.”
Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2
EMAN BACOSA ON "PIOLO PACQUIAO" TAG
Binansagang “Piolo Pacquiao” si Eman mula nang lumaban siya ng boksing sa Thrilla In Manila 2 sa Araneta Coliseum, Quezon City, noong Oktubre 29, 2025.
Sa paningin ng iba, malaki ang pagkakahawig niya sa aktor na si Piolo Pascual.

“Natuwa po ako na kamukha ko pala si Piolo Pascual, at ngayon ay tinatawag ako na Piolo Pacquiao,” napangiting sagot ni Eman nang tanungin tungkol sa kanyang reaksiyon.
Marami ang nagsasabing puwedeng-puwedeng artista si Eman dahil sa hitsura at taas nitong 5’10.
Tinanong ng Cabinet Files si Eman sa posibilidad na pumasok siya sa showbiz tulad ng ginawa noon ng ama niya, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Read: Anak ni Manny na si Eman Bacosa, binansagang "Piolo Pacquiao"
Sagot niya: “Open naman po ako kung may opportunity, pero siyempre, kailangan ko rin kasi paghandaan muna at mag-focus sa boxing.”
Kung hindi pag-aartista, tatanggap ba siya ng mga product endorsement?
“Basta po aligned sa values ko and kung naniniwala ako dun sa produkto. Huwag lang po sugal or kahit anong negative na bagay,” sabi ni Eman.
Sa kabila ng pagkakaroon niya ng promising boxing career, may panahon pa si Eman para sa kanyang pag-aaral.
“Grade 11 po ako ngayon. Technical Vocational Livelihood [TVL] po ang course ko sa Alternative Learning System,” banggit niya.
Read: Manny Pacquiao reacts to being seen with Jinkee at Eman's match