PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana, nilinaw ang pagkakautang umano kay Willie Revillame

Anjo Yllana: “Tinulungan ako ni Willie, pero ayaw niyang magpabayad."
by Jojo Gabinete
Published Nov 5, 2025
anjo yllana willie revillame
Anjo Yllana (left) on his alleged debt to Willie Revillame (right): “Si Willie, matagal ang pinagsamahan namin niyan. Very close kami ni Willie. Nag-reach out ako sa kanya, e, mabait naman si Willie. Kapag kilala mo talaga siya, galante yan... Tinulungan ako ni Willie. Ayaw niya akong pagbayarin."
PHOTO/S: YouTube

May sagot at paliwanag si Anjo Yllana tungkol sa rebelasyon ng veteran entertainment reporter na si Cristy Fermin na may utang umanong pera ang aktor kay Willie Revillame na hindi pa niya binabayaran.

Isiniwalat ni Cristy sa radio program nito noong Lunes, Nobyembre 3, 2025, ang diumano’y hindi pagbabayad ni Anjo ng utang kay Willie.

Kasunod ito ng pagtatanggol ni Cristy kay Senate President Tito Sotto laban sa alegasyon ni Anjo na may ibang karelasyong babae ang senador at Eat Bulaga! host.

Read: Anjo Yllana admits he was bluffing, calls ceasefire with Senator Tito Sotto

Anjo Yllana clarifies alleged debt issue with Willie Revillame

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Anjo nitong Martes, Nobyembre 4, 2025, hindi niya itinanggi ang kabutihang ginawa sa kanya noon ni Willie.

Pero paglilinaw niya: “Tinulungan ako ni Willie, pero ayaw niyang magpabayad.

“Alam mo naman sa showbiz, minsan up and down.

"Sa Eat Bulaga!, minsan may suweldo, minsan wala. Minsan walong buwan walang suweldo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging co-host si Anjo ng Eat Bulaga! sa loob ng mahigit dalawang dekada, mula 1998 hanggang 2020.

Pagpapatuloy ng kontrobersiyal ngayong personalidad: “Si Willie, matagal ang pinagsamahan namin niyan. Very close kami ni Willie.

"Nag-reach out ako sa kanya, e, mabait naman si Willie. Kapag kilala mo talaga siya, galante yan. Pero kapag hindi mo siya kilala, suplado yan.

“Tinulungan ako ni Willie. Ayaw niya akong pagbayarin.

"Sabi ko, 'Hindi! Tinulungan mo ako. Babayaran ko ito kapag umangat ako.'

“Sabi ni Willie, ‘Ganito na lang. Pay when able. Bahala ka na kung kailan mo gusto. Kung mayaman na mayaman ka na, sige.’

“E, ano tayo ngayon, disabled pa rin, e!” natawang pahayag ni Anjo sa Cabinet Files.

Read: Ai-Ai delas Alas says estranged husband Gerald Sibayan’s green card petition revoked

WILLIE REVILLAME'S GENEROSITY

Marami raw alam si Anjo tungkol sa mga kasamahan nila sa industriya na tinulungan ni Willie.

Kabilang dito ang dating Eat Bulaga! director na si Bert de Leon na sumakabilang-buhay noong Nobyembre 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumulong daw si Willie sa pagbabayad sa hospital bills at sa condominium unit na tinitirhan ni Bert noong nabubuhay pa ito.

Read: Eat Bulaga! and Bubble Gang director Bert de Leon dies at 74

“Yes, maraming tinulungan si Willie," pagpapatuloy ni Anjo.

"Si Tito Dolphy, sa hospital bills noon. Saka si Cristy, tinulungan ni Willie.

“Maraming tinutulungan si Willie. Mabait yan. Yan ang katotohanan."

ANJO YLLANA ON LOVE-HATE RELATIONSHIP WITH CRISTY FERMIN

Naiintindihan daw ni Anjo ang pagtatanggol ni Cristy kay Senator Tito Sotto.

Saad niya: "Naiintindihan ko naman si Cristy kasi dinedepensahan niya si Tito Sen.

“Nagbiro ako sa vlog ko, sabi ko, 'Patay na naman ako nito kay Kumareng Cristy.' Kumare ko yon, inaanak ko yung anak niya.

“Sabi ko, 'Naku, aawayin na naman ako ni Cristy Fermin.'

"Ganyan naman kami ni Cristy Fermin, away-bati kami niyan, pero nagmamahalan kami.

"Sabi ko, 'Babanatan ako niyan. Sigurado ako.' Ayun, binanatan nga ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero kahit anong sabihin ni Cristy Fermin tungkol sa akin, ang buhay namin, e, away-bati, at inaanak ko sa binyag yung anak niya.

“Kahit anong sabihin niya sa akin, mahal ko pa rin yan."

Sabi pa niya sa Cabinet Files: "Puwede mo akong i-quote, pero regarding sa utang ko kay Willie, yan ang kuwento.

“Si Willie, tinulungan ako, pero ayaw niyang pabayaran yung tulong niya.”

Read: Dondon Nakar, '70s matinee idol and Apat Na Sikat star, dies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana (left) on his alleged debt to Willie Revillame (right): “Si Willie, matagal ang pinagsamahan namin niyan. Very close kami ni Willie. Nag-reach out ako sa kanya, e, mabait naman si Willie. Kapag kilala mo talaga siya, galante yan... Tinulungan ako ni Willie. Ayaw niya akong pagbayarin."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results