Ang APO, ang King of Pinoy Rap na si Francis Magalona, at ang multi-awarded composer na si Gerry Paraiso ang mga bibigyan ng parangal nina Ogie Alcasid at Odette Quesada sa kanilang Q&A concert sa Mall of Asia Arena, Pasay City, nitong Biyernes, Nobyembre 7, 2025.
Aawitin ni Ogie ang mga pinasikat ni Francis M., samantalang si Odette ang kakanta sa mga hindi malilimutang komposisyon ni Gerry.
Pumanaw si Francis M. noong Marso 6, 2009, samantalang binawian ng buhay si Gerry noong Disyembre 12, 2000.
Kabilang sa mga sikat na komposisyon ni Gerry ay "You" ni Basil Valdez at "Loving You" ng pumanaw na ring si Ric Segreto.
Espesyal na panauhin naman nina Ogie at Odette sa Q&A sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo, ang dalawa sa mga miyembro ng APO Hiking Society.
Gugunitain nila ang mga alaala ng namayapang miyembro ng grupo na si Danny Javier.
Read: Anjo Yllana admits he was bluffing, calls ceasefire with Senator Tito Sotto
NINTH TIME TOGETHER
Umuwi ng Pilipinas si Odette para sa pagtatanghal nila ni Ogie sa MOA Arena.
Inaasahang aawitin nina Odette at Ogie sa kanilang concert ang "Tuwing Pasko," isang original composition at kauna-unahang Christmas duet song nila.
Ang Q&A concert nina Odette at Ogie bukas ang ika-siyam na pagkakataon ng kanilang pagsasama kaya kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.
Sa mga kanta ni Ogie, ang “Pangako” ang paborito ni Odette.
Sabi ng female singer-composer: “I’m actually singing one of Ogie’s songs, yung 'Pangako.' I really like that song.
"But even before I learned 'Pangako,' I like 'Bakit Ngayon Ka Lang?'
“We have a connection. It’s easy to talk to Ogie. It’s easy to be on stage with him.
"I never get nervous because I always feel like I’m with a best friend on stage.”
Sa mga komposisyon naman ni Odette, ang “Farewell” na inawit ni Raymond Launchengco ang isa sa mga malapit sa puso ni Ogie.
Kuwento niya: “Our high school is filled with 'Farewell,' the songs of Bagets, the songs of Raymond Lauchengco.
“Kumbaga, for me, as a fan of her music and as a fan of OPM, nakakasaya sa puso na makasama ko siyang kinakanta niya yung mga kantang songs of our lives.
“I am always comfortable with Odette. And she can take my silly corny jokes. At kapag pinanood ninyo yung concert, lagi kaming may banter.
“It’s so light-hearted and it’s so cool. I love that she can react to whatever I say. She’s so quick to that.
"I guess it comes with being a songwriter. I love her stories, especially about family.”
Read: Marvin Agustin's Cochi earns Michelin Bib Gourmand distinction
View this post on Instagram