Inamin ni Mark Bautista na may nililigawan siyang artista ngayon.
Sa panayam ni Boy Abunda kay Mark sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, Nobyembre 6, 2025, tinanong ang singer tungkol sa taong nagpapatibok sa puso niya.
“Idine-date,” sagot ni Mark.
Pero hindi siya nagbanggit ng pangalan o nagbigay ng clue sa katauhan ng showbiz personality na tinutukoy niya.
Pero bago pa man naganap ang panayam kay Mark sa Fast Talk, may nakapagkuwento sa Cabinet Files tungkol sa showbiz personality na nakikitang kasama ng singer-actor at pinaghihinalaang karelasyon nito ngayon.
Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto
MARK BAUTISTA ALMOST GAVE UP ON LOVE
Hindi naman itinanggi ni Mark na may panahong nawalan siya ng paniniwala sa pag-ibig dahil sa pagkadismaya na matagal niyang naramdaman.
Lahad ng Kapuso singer: “Yeah, kasi matagal din akong parang na-frustrate dahil ang feeling ko, 'Ako ba yung may problema?' Parang ganoon.
“Na parang baka ako, choosy ba or masyado ba akong hindi na marunong magmahal ba?”
Ayon kay Mark, dumating at hindi niya hinanap ang taong nagpapatibok sa kanyang puso sa kasalukuyan.
Saad niya: “I think dumating, and I think na-feel ko na parang, 'Shucks, ito yung tao na komportable ako na kahit magkasama kami, I can be myself.'”
“May theme song kayo?” tanong ni Boy.
Sagot ni Mark: “Wala, e. Dapat meron, baka hindi pa umabot.
"Puwedeng yun na rin, 'Sweet Love' [ni Anita Baker]."
Nag-umpisa ang showbiz career ni Mark nang manalo siyang first runner-up sa Star For A Night, ang singing competition ng Viva na napanood sa IBC 13 mula Marso 2002 hanggang Marso 2003.
Kabilang si Boy sa mga hurado ng Star For A Night kaya nasubaybayan niya ang mga pangyayari sa buhay ni Mark, katulad ng panliligaw nito noon kay Sarah Geronimo, ang grand champion ng Star For A Night.
“Yeah, I think so. I think nag-attempt, but I failed!” natatawang sabi ni Mark.
Read: Felicia Atienza says Emman's death gave her "the deepest pain"