Tinupok ng apoy ang tahanan ni Erik Spoelstra sa Coconut Grove, Miami, Florida, nitong Huwebes, Nobyembre 6, 2025.
Si Spoelstra ang Filipino-American coach ng sikat na NBA basketball team na Miami Heat.
Walang nailigtas sa kanyang mga ari-arian dahil walang tao sa bahay niya nang mangyari ang trahedya.
Sakay siya ng eroplano na pabalik sa Florida mula sa laban ng kanyang team sa Denver Nuggets sa Denver, Colorado, nang malaman niya ang malungkot na balita.
Walang iniulat na nasaktan sa natupok ng apoy na tahanan ni Spoelstra na nagkakahalaga ng USD5.5 million.
“We are grateful to learn that nobody was harmed in the fire at Coach Spoelstra’s residence this morning. Our thoughts, prayers, and assistance are with Spo and his family during this time,” pahayag na inilabas ng Miami Heat tungkol sa insidente.
Read: Slater Young’s Monterazzas project blamed by netizens for Cebu flooding
SCENE AT THE FIRE SITE
Nadatnan pa ni Spoelstra ang mga bumbero na nagtulong-tulong maapula ang malaking apoy.
Nakunan siya ng mga kamera habang naglalakad sa paligid ng nasunog na bahay, pati na ang reaksiyon niyang hindi makapaniwala sa nangyari sa kanyang tahanan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang sanhi ng pagkasunog ng bahay ni Spoelstra.
Sa panayam kay Miami-Dade Fire Rescue battalion chief Victoria Byrd, sinabi nitong kasingtaas ng mga puno ang apoy na tumupok sa tahanan ng Miami Heat coach, pero walang ibang tahanan na nadamay sa sunog.
"Our units came in and did an excellent job," pahayag ni Byrd.
Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto