PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sierra Madre, muling nag-trending dahil sa super typhoon Uwan

Sierra Madre, pinaniniwalaang panangga laban sa super typhoon Uwan.
by Jojo Gabinete
Published Nov 8, 2025
sierra madre
Sierra Madre trends on social media as Filipinos once again hail it as the country’s natural shield amid the threat of Super Typhoon Uwan.
PHOTO/S: Screen grab from CNA YouTube

"Sierra Madre" ang pamagat ng mga pelikula ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at titulo ng sikat na kanta ng namayapang mang-aawit na si Coritha noong 1980.

coritha sierra madre

Dalawa ang pelikulang pinagbidahan ni FPJ, noong 1963 at 1981, na mula sa pangalan ng Sierra Madre ang pamagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
fpj sierra madre

May habang 540 kilometro ang Sierra Madre, ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas.

Pinaniniwalaan ng mga Pilipino na likas na hadlang ang Sierra Madre sa malalakas na bagyo na dumarating sa ating bansa.

Read: Slater Young’s Monterazzas project blamed by netizens for Cebu flooding

SIERRA MADRE TRENDS ON SOCIAL MEDIA

Nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 7, 2025, trending ang Sierra Madre sa social media dahil sa nakaambang panganib na hatid ng Super Typhoon Uwan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasinglaki umano ng Pilipinas ang lawak ng Uwan kaya nangangamba nang husto ang mga Pilipino.

Bukod sa paghingi ng tulong sa Panginoong Diyos sa pamamagitan ng taimtim na panalangin na iligtas ang Pilipinas mula sa malupit na hagupit ng Super Typhoon Uwan, ang Sierra Madre ang hinihingan ng tulong para mapahina nito ang inaasahang malakas na bagyo.

Nawalan na ng tiwala ang maraming Pilipino sa pamahalaan dahil sa mga isyu ng korapsyon at mga anomalya sa flood control projects na sinisisi sa mga flash flood na nangyari sa lalawigan ng Cebu at sa ibang panig ng bansa.

Ang kawalan ng tiwala ng maraming Pilipino sa pamahalaan ang nag-udyok sa kanila para ibaling ang atensiyon sa Sierra Madre at hingin ang tulong nito para humina ang malakas na buhos ng ulan at hangin na hatid ng Super Typhoon Uwan.

Bilang ganti sa malaking tulong na maibibigay ng Sierra Madre — na isa na lamang sa mga iilang natitirang pag-asa ng mga Pilipino sa panahon ng delubyo — maigting ang panawagan sa social media na pangalagaan at ihinto na ng mga mapagsamantalang negosyante ang pagkalbo sa kagubatan, pagputol sa mga puno, at pagmimina sa makasaysayan na kabundukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Congressman sa Cebu, umani ng batikos dahil sa relief goods na may mukha at pangalan niya

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sierra Madre trends on social media as Filipinos once again hail it as the country’s natural shield amid the threat of Super Typhoon Uwan.
PHOTO/S: Screen grab from CNA YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results