PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross debut album launch, pinilahan ng fans

Wilbert Ross on his debut album: "It keeps me alive."
by Jojo Gabinete
Published Nov 8, 2025
wilbert ross album launch
Singer-actor Wilbert Ross’s debut album launch draws an overwhelming crowd of fans at Viva Cafe despite warnings over the approaching Super Typhoon Uwan.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / Jojo Gabinete

Hindi naging hadlang ang mga sunod-sunod na paalaala at pag-iingat tungkol sa pagdating ng super typhoon Uwan sa Pilipinas sa mga tagahanga ni Wilbert Ross.

Nagsadya sila sa Viva Café, Quezon City, ngayong Sabado ng gabi, Nobyembre 8, 2025, para suportahan ang album launch at show ng kanilang iniidolong singer-actor.

Nakunan ng Cabinet Files ng larawan ang mahabang pila ng mga tagahanga ni Wilbert sa main entrance ng Viva Café.

Hapon pa lamang nang mag-umpisa ang kanilang pila at matagal na paghihintay para sa gabi na pagtatanghal ni Wilbert.

Ikinatuwa nang husto ni Wilbert ang pagsipot ng kanyang fans sa album launch at show niya, kahit masama ang lagay ng panahon.

Read: VIRAL: "6-7" is chosen "Word of the Year"; what does it mean?

wilbert ross album launch
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILBERT ROSS' DEBUT ALBUM

“Aking Musika” ang pamagat ng nine-track debut album ni Wilbert.

Katuparan daw ito ng pangarap niyang makilala bilang singer at songwriter.

Sariling komposisyon ni Wilbert ang lahat ng mga kanta sa kanyang album, pati na ang "Ginintuang Tanawin" na ginamit na official soundtrack ng Golden Scenery of Tomorrow, ang original series na pinagbibidahan nila ni Bea Binene.

Ang kahalagahan sa kanyang pagkatao ng debut album niya ang itinanong ng Cabinet Files kay Wilbert.

Sagot niya: "It keeps me alive.

"Like, dati kapag nawawalan ako ng pag-asa sa career ko, iniisip ko lang na, ‘Hindi. Magsusulat lang ako nang magsusulat dahil, eventually, meron at merong songs na magugustuhan ng mga tao.'"

Bakit siya nawalan ng pag-asa at ano ang naging fallback niya?

“Dati po, yung pre-pandemic, nasa grupo pa po ako," pagtukoy ni Wilbert sa all-male group na Hashtags na regular na nagpe-perform noon sa It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Biglang nag-pandemic na nawala yung group sa noontime show so hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Pero kung usapan na fallback po, lagi kong sinasabi sa isip ko na kapag hindi nag-work ito, 'Hindi, magwo-work talaga. Hindi puwedeng hindi.'

“Hindi ko titigilan ang pagsusulat at pagpe-perform, kahit hindi man sa showbiz, I would still perform. I would still write songs.”

Walong taon na si Wilbert sa showbiz, na pinangarap daw niya mula noong bata pa siya.

Saad niya: “Matagal ko nang gustong mag-showbiz, bata pa lang po ako.

“Yung music naman po talaga ang number one na gusto kong i-push.

"So, ever since bata pa ako, seryoso na ako talaga sa dreams ko at sa goals ko.”

Read: Janice de Belen, nag-walkout sa event dahil kay John Estrada?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Wilbert Ross’s debut album launch draws an overwhelming crowd of fans at Viva Cafe despite warnings over the approaching Super Typhoon Uwan.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results