Dumating sa Pilipinas ang American TV personality na si Josh Morgerman noong Biyernes, Nobyembre 8, 2025.
Si Morgerman, 55, ay higit na kilala bilang isang storm chaser.
Nasa Pilipinas siya ngayon upang sundan at tutukan ang Super Typhoon Uwan, na may international name na Fung-wong, isa sa pinakamalakas na bagyong mararanasan ng mga Pilipino bago matapos ang 2025.
Read: DOST-PAGASA warns of "high risk of life-threatening storm surge"
Ang pansamantalang pananatili ni Morgerman sa Pilipinas ang ika-pitong pagbisita niya sa bansa.
Isa sa mga personal na nasaksihan ni Morgerman ay ang Super Typhoon Yolanda na nanalasa nang husto sa Tacloban, Leyte, noong Nobyembre 8, 2013.
Ang huling pagpunta ni Morgerman sa bansa ay nang sinundan niya ang Category 4 Typhoon Pepito, na may international name na Typhoon Man-yi, na naminsala sa Borlongan, Aurora, noong Nobyembre 17, 2024.
JOSH MORGERMAN: THE STORM CHASER
Nag-umpisa ang pagiging stormchaser ni Morgerman noong 1991.
Wala siyang asawa at anak dahil sa kagustuhan niyang manatiling malaya mula sa mga responsibilidad para mapagtuunan ng kanyang pansin at panahon ang paghahabol sa mga makasaysayan at malalakas na bagyo.
Walang pormal na edukasyon si Morgerman sa meteorology. Nagmula lamang sa mga karanasan niya sa pagiging stormchaser ang lahat ng kanyang mga kaalaman.
“Core punch” sa mga bagyo, itala ang atmospheric pressure, at idokumento ang kanyang mga karanasan ang mga layunin ni Morgerman bilang isang storm chaser.
Ang Category 5 Hurricane Melissa — na nag-iwan ng malaking perwisyo sa Jamaica noong Oktubre 28, 2025 — ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo na sinundan ni Morgerman bago siya bumiyahe sa Pilipinas para tutukan ang Super Typhoon Uwan.
Read: Sierra Madre, muling nag-trending dahil sa super typhoon Uwan
SUPER TYPHOON UWAN
Naghatid ng pangamba sa ilang Pilipino ang pagdating ni Morgerman sa Pilipinas dahil nangangahulugan itong talagang malakas, mapaminsala, at hindi dapat ipagwalang-bahala ang Super Typhoon Uwan.
Ginamit ni Morgerman ang Facebook page nito para sa dokumentasyon ng kanyang mga ginagawa habang hinihintay sa lalawigan ng Aurora ang pagdating ng super typhoon Uwan.
Facebook entry ni Morgerman nang dumating siya sa Pilipinas noong Biyernes (published as is): “Just landed in Manila in the Philippines. Friday night here.
"Gonna crash for a few hours, then head N, into Aurora Province, at the crack of dawn to hunt Typhoon FUNG-WONG (a.k.a. UWAN). This one could be a real beast.
"Honestly, I'm still exhausted from MELISSA in Jamaica—physically and emotionally—but this is the time of year when I've got to bite the bullet and just keep going. Go go go.”
Ngayong Linggo, Nobyembre 9, ay nagbigay ng updates si Morgerman sa kanyang followers.
Saad niya: “Typhoon FUNG-WONG (a.k.a. UWAN) is closing in on the Philippines. It's been gradually strengthening today and it's starting to look more symmetric—and dangerous.
"I'm still on the waterfront in Baler (star). Gonna decide next steps in the morning. For now, I'm right where I want to be.
"Gorgeous night here. The air has a sort of heavy, thick, magical texture to it.
“Some folks have asked me how Typhoon FUNG-WONG compares with Hurricane MELISSA.
"As of right now, there is no comparison. MELISSA was a truly incredible specimen—a record-smashing cyclone and a jaw-dropping display of raw destructive power that I've seldom—if ever—witnessed during my 35 years of hunting cyclones.
“FUNG-WONG is a normal typhoon—dangerous and potentially destructive, but not breaking any records. At least not yet. Let's hope it stays that way.
“My friends on the east coast of Luzon—especially Aurora and Isabela Provinces—should be ready for a strong typhoon impact late Sunday.
“Please note that PAGASA forecasts FUNG-WONG (UWAN) to make landfall as a super typhoon. RUSH PLANS TO COMPLETION SUNDAY MORNING. It will be stormy and dangerous by nightfall."
Dagdag pa niya: “Deserted streets of Baler in the Philippines. Deathly calm. Air heavy, thick, magical. Typhoon FUNG-WONG (UWAN) is coming.”
Read: Slater Young’s Monterrazas blamed by netizens for Cebu flooding