Kanselado ang mall show nina Rabin Angeles at Angela Muji sa Robinson’s Galleria South, San Pedro City, Laguna, ngayong Linggo ng hapon, Nobyembre 9, 2025, dahil sa super typhoon Uwan.
May kinalaman ang mall show nina Rabin at Angela sa launching movie nilang mapapanood sa mga sinehan simula sa Enero 14, 2026 — ang Philippine adaptation ng hit South Korean movie na A Werewolf Boy (2012) na pinagbidahan ni Song Joong Ki.
Matagal pa ang cinema release date ng pelikula ng RabGen loveteam pero masipag na sila sa pagpo-promote.
Noong Sabado, Nobyembre 8, nagpunta sila sa SM City East Ortigas sa Pasay City.
Read: VIRAL: "6-7" is chosen "Word of the Year"; what does it mean?
Bukod sa kanilang mall show, tumulong ang dalawa sa advance ticket selling ng A Werewolf Boy.
Tuwang-tuwa sila dahil sold-out ang tickets para pelikulang nagbibigay sa kanila ng kaba habang papalapit ang playdate.
Ayon kay Angela: “Sobrang kaba at pressure po kasi career-defining moment na po ito para sa aming dalawa.
“Kung anuman po yung kalabasan ng movie na to, dun po nakabase kung saan patungo po yung career namin.
"Medyo nakakatakot at nakaka-excite."
Read: Congressman sa Cebu, umani ng batikos dahil sa relief goods na may mukha at pangalan niya

A WEREWOLF BOY IS A "MUST-WATCH MOVIE"
Ipinagmamalaki ni Angela ang pelikula nila ni Rabin na karapat-dapat umanong panoorin dahil maganda ang kanilang proyekto.
Saad niya: “I think, whether you like us or not, whether you know us or not, A Werewolf Boy is a must-watch movie.
"Hindi lang dahil adaptation siya from Korea na best-selling movie at si Song Joong Ki ang bida.
“The movie itself is a masterpiece and, hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, maganda po talaga yung movie.”
Ang pagsusumikap naman ng kanilang mga kasamahan sa paggawa ng A Werewolf Boy ang ibinigay ni Rabin na dahilan kaya nararapat tangkilikin ang pelikula nila ni Angela.
Sabi ni Rabin: “Yung efforts pa lang ng mga tao sa set, kakaiba po.
"Kung paano hawakan ni Direk MJ ang kamera, kung paano magdirek si Direk Cris [Aquino], grabe.
“Sobrang solid po yung effort nila kaya parang kami mismo, yung katawan namin, ready kami kahit kung paano ninyo kami pahirapan. Hindi kami susuko, kumbaga.”
Pakiramdam din daw ni Rabin ay parang sinapian siya ni Song Joong Ki sa kanyang mga mahihirap na eksena.
“Sobrang hirap po sa akin ng scene na yon kasi umiiyak ka na nakamulat kasi hindi ka tao. Hindi ko po alam kung paano gagawin yon.
"Pero sa pinakaunang take na yon, feeling ko, sumanib sa akin si Song Joong Ki."
Read: Slater Young’s Monterrazas blamed by netizens for Cebu flooding