Binura na ni Kiray Celis ang larawan niyang nakaupo sa ibabaw ng isang vending machine dahil sa mga batikos na natanggap niya mula sa mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Japan.
Kinunan ang kontrobersiyal na larawan ni Kiray sa Dotonbori District sa Osaka, Japan.
Kabilang ito sa pre-nuptial shoot nila ng kanyang fiancé na si Stephan Estopia.
Limang araw na ang nakararaan mula nang ibahagi ni Kiray sa kanyang Instagram ang prenup photos nila ni Stephan na tumanggap ng mga batikos dahil sa diumano’y kanilang kawalan ng respeto sa Japan.
Burado na ang larawan at hindi pa naglalabas si Kiray ng kanyang panig tungkol sa kontrobersiyang siya rin ang may kagagawan.
Read: News reporters, pumukaw ng atensiyon sa gitna ng bagyong Uwan
WEDDING HASHTAG CONTEST
Ginawa ni Kiray na isang contest ang prenuptial posts niya dahil sa kanyang inilagay na mensahe: “Yung inuna pa yung PRENUP kaysa mag-isip ng hashtag namin sa kasal. Oh game, may 5K po sa akin pinakamagandang comment ng hashtag at gagamitin namin sa kasal namin.
”TEPAN & TING ang name!”
Nakunan pa ng Cabinet Files ng screenshot ngayong Lunes, November 10, 2025, 8:24 A.M., ang larawang inirereklamo ng ilang Japan-based Filipinos bago ito inalis ni Kiray
Nakatanggap ng maraming mga komento ang prenup photos nila ni Stephen tulad ng kagustuhan ni Kiray, pero negatibo ang karamihan dahil sa kanyang vending machine picture.
View this post on Instagram
NETIZENS REACT TO CONTROVERSIAL PHOTO OF KIRAY AND STEPHAN
Ang mga sumusunod na mensahe ang ilan sa mga pagpunang mababasa sa comments section ng Instagram account ni Kiray:
"If you got permission to be on the vending machines, then it is okay. But if not, you are making lives hard for foreigners in Japan. Please do not contribute to the anti-foreigner sentiment here. Respect the culture."
"I’m calling out the PHOTOGRAPHER too! FYI lang, this is not acceptable dito sa Japan. Be respectful and have some manners.
"For the sake of socmed? Naku mahiya naman kayo for the sake naman sa mga lahi nating kapwa Pinoy na nasa Japan. It’s really a big shame sa mga kapwa Pinoy na naninirahan sa Japan. Don’t you know na maraming Japanese ay hate nila ang foreigners kasi wala silang respeto. Stop doing that in Japan. Respect the law and culture if mag-travel."
"I am not really a fan of yours but I hope you’ll be mindful of boundaries during your prenuptial photo [shoot]. We’re happy for you and your big day but knowing you are a Filipino and still taking photos on top of a vending machine in Japan is disappointing. You know how disciplined Japanese people are and actions like that reflect poorly on us as visitors. This kind of behavior is one reason why Japan has become stricter with foreigners. It shows lack of respect. I hope next time you’ll think twice before doing such actions.
"This kind of behavior is exactly why Japan has been tightening its rules on foreigners. Too many tourists and foreign workers have been disrespecting the culture and laws here and it’s affecting those of us Filipinos who actually live here and try to do things the right way. With the Prime Minister now pushing a 'Japanese First' policy, more locals are becoming supportive of stricter measures and less tolerant toward foreigners. Please be mindful and show respect for the country you’re visiting. Let’s not ruin it for everyone who’s trying to live peacefully in Japan."
Read: Storm chaser, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre