Ganap na ang pagiging lolo at lola nina Manny at Jinkee Pacquiao dahil nakatakdang isilang ang kanilang apo sa anak nilang si Jimuel Pacquiao at sa kasintahan nitong si Carolina ngayong Nobyembre 2025.
Si Jimuel, na magiging ama sa edad na 24, ang panganay sa limang anak nina Manny at Jinkee.
Babae ang isisilang na sanggol ng kasintahan ni Jimuel.
Read: Jinkee Pacquiao excited to meet grandchild from son Jimuel
Si Jinkee ang nagbahagi sa social media ng mga larawan ng baby shower party na ginanap sa Los Angeles, California, na personal nilang dinaluhan ni Manny.
Mapapansin sa mga litrato na inilabas ni Jinkee ang pagkakahawig nila ni Carolina kaya puwedeng-puwede silang mapagkamalan na mag-ina.
View this post on Instagram
EMAN BACOSA KMJS INTERVIEW
Nagkataon lamang na ibinahagi ni Jinkee ang mga larawang kuha mula sa baby shower ng kanyang paparating na apo, isang araw matapos ipalabas noong Linggo, Nobyembre 9, 2025, ang eksklusibong panayam ni Jessica Soho kay Emmanuel Joseph "Eman" Bacosa Pacquiao sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Si Eman ay anak ni Manny sa dating karelasyon nitong si Joanna Rose Bacosa.
Sa naturang interbyu, sinabi ni Eman na maayos ang relasyon niya sa kanyang Tita Jinkee at nag-uusap sila paminsan-minsan.
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by dad Manny Pacquiao
Maganda rin ang relasyon ni Eman sa kanyang kapatid sa ama na si Michael, ang rap artist at incumbent councilor ng General Santos City, South Cotabato.
Ang litrato nilang magkasama at naka-peace sign ang patunay na tanggap si Eman ng kanyang mga kapatid sa ama.