Handa si Kiray Celis na humingi ng paumanhin sa mga kapwa Pilipinong nadismaya sa prenup photo nila ng fiancé na si Stephan Estopia.
Makikita sa litrato nila na nakaupo si Kiray sa ibabaw ng vending machine sa Dotonburi District, Osaka, Japan.
Read: Kiray Celis, binatikos dahil sa prenup photo niya sa Japan
Ayon kay Kiray, hindi niya alam na ipinagbabawal sa Japan ang ginawa niya.
Ganap na 2:49 P.M. ngayong Lunes, Nobyembre 10, 2025, tumawag sa telepono si Kiray para iere ang kanyang panig sa Cabinet Files.
"Oo naman po. Willing akong mag-apologize kung talagang para sa kanila, na-offend ko sila.
"Pero wala talaga akong idea. Hindi naman po din ako Japanese," bungad na paliwanag ni Kiray.
Nabahala raw si Kiray sa pagbatikos sa kanya ng netizens, base sa ulat ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes.
May Japan-based Pinoys kasing nag-comment sa IG post ni Kiray na sign of "disrespect" sa mga Japanese ang pagpapakuha niya ng litrato sa vending machine.
Sabi pa ng netizens, kinaiinisan ng Japanese ang mga foreigner dahil sa ganoong behavior.
Naalarma silang mga Pinoy na tagaroon na pati sila ay kainisan din ng mga ito.

Read: Storm chaser, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre
KIRAY DEFENDS HER PRENUP SHOOT
Depensa ni Kiray, wala raw silang intensiyon ni Stephen na maka-offend ng kahit sino roon.
Hindi raw talaga alam ni Kiray na ipinagbabawal umupo sa vending machine dahil may iba raw na mga turistang may ganoong kuha.
Lahad pa ni Kiray: "Pumayag akong mangyari dahil yun kasi sinabi ng photographer.
"Saka ang dami ko nang nakita sa Metro Photo na gumawa ng ganoon kaya nagulat ako nang lumabas yung photos, nag-trending.
"Ay, ano ito? Bakit ganito? Kasi hindi ko naman talaga gusto na ma-bash.
"Pero naiirita ako sa mga comment na, 'I-persona non grata ka na!’"
Burado na raw ang IG post niyang iyon.
Aniya, "Sobrang mahal ko yung Japan kaya parang, 'Wait lang, hindi ko trip yung mga comment.' Kaya dinown ko na as of kagabi pa."
Binanggit ng awtor na ito kay Kiray na nasa Instagram feed pa niya ang kontrobersiyal na prenup photo nila ni Stephen nitong Lunes ng umaga.
Eksaktong 8:24 A.M. nang ma-screenshot pa ang litratong iyon.
Paliwanag ni Kiray, "Ipina-down ko po siya sa staff ko. Nung gumising ako kanina, mga 10 A.M. yata or 11 A.M., na-out na, e."
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny
KIRAY CELIS ON POSITIVE COMMENTS FROM JAPANESE ONLOOKERS
Nagpunta sina Kiray at Stephan sa Japan noong November 2 to 6 para sa kanilang pre-nuptial photo shoot.
Hindi raw siya nag-alalang magkakaroon ng isyu dahil half-Japanese at half-Filipino ang driver nila ng fiancé.
"Kung magsasabi siya na masama or bawal, siya na ang unang magsasabi sa amin, e, wala naman.
"Tapos marami ang lumalapit sa akin na mga Japanese. Akala nila model ako. Lumalapit sila sa shoot namin na parang, 'Sino siya? Model ba siya? Ang ganda ng shoot.'
"Nag-i-stopover pa yung mga Amerikano, mga Japanese, sa shoot namin," paliwanag pa ni Kiray.
Mas naisip pa raw ni Kiray na ikainis sa kanya yung nakastorbo sila sa mga kumakain sa isang ramen shop.
"Actually, ang mas nakaka-offend na feeling ko, yung sa ramen shop, kasi meron kaming photos doon.
"Ang mga Japanese kasi very busy sa work so kapag kumakain sila, they eat and go. Parang mabilisan ang kain nila.
"Ayaw nila na naiistorbo. Bawal ang maingay.
"E, nag-shoot kami sa ramen shop. Parang bigla na lang, 'O, mag-kiss kayo diyan sa gitna, tapos kumakain sila.
"Akala ko nga, dun sila mao-offend, pero ang ganda-ganda raw ng pictures namin."
Tingin ni Kiray, ang photo shoot niya ang napagtuunan ng atensiyon at nabatikos dahil sa lahat ng mga nagpakuha ng litrato sa ibabaw ng vending machine ay siya raw ang kilalang personalidad.
Sa huli, inulit ni Kiray ang kanyang labis na pagmamahal sa Japan kaya ito ang pinili nila ni Stephan bilang lokasyon ng kanilang pre-nuptial shoot.
Saad niya: "Sobrang mahal na mahal ko ang Japan kaya balik kami nang balik.
"Actually, dapat sa ibang bansa ang pre-nuptial pictorial namin. E, inisip namin, favorite at dapat connected sa wedding ang lahat kaya pinili namin ang Japan."