Mula nang magsalita si Anjo Yllana laban kay Senate President Tito Sotto, naging popular search sa social media ang kanyang pangalan.
May mga interesado at inaabangan ang mga bagong rebelasyon niya tungkol sa pagiging co-host ng Eat Bulaga! sa loob ng 20 taon.
Hanggang ngayong Martes, Nobyembre 11, 2025, nananatiling popular search sa social media ang pangalan ni Anjo.
Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto
Ito ay dahil sa kanyang mga eksplosibong rebelasyon tungkol umano kina Jose Manalo at Allan K., mga dati niyang kasamahan sa Eat Bulaga!.
Pinagpipistahan at pinag-uusapan ang mga pagbubulgar ni Anjo sa ugali umano ni Jose at sa dating EB Babes dancer na kapwa raw nila nakarelasyon.
Hindi rin nakaligtas sa pagbubulgar ni Anjo ang kuwento umano tungkol kay Allan at sa dating PBA player at incumbent San Juan City councilor James Yap.
Dahil sa mga pagbubulgar na ito, tila tuluyan nang sinunog ni Anjo ang tulay niya sa mga dating kasamahan sa Eat Bulaga!.
NOT A BLUFF?
Nag-umpisa ang paglalantad ni Anjo sa mga kuwento na hindi alam ng publiko dahil patuloy umano ang pagbanat ng mga inaakusahan niyang trolls ng noontime variety show na kanyang pinanggalingan.
Ayon kay Anjo, maglalabas siya ng mga kuwento sa bawat banat laban sa kanya dahil hindi natupad ang "ceasefire" na napagkasunduan umano nila nina Vic at Maru Sotto — mga nakababatang kapatid ni Senator Tito Sotto.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Anjo, sinabi nitong "bluff" lamang ang mga pahayag niya tungkol kay Senator Sotto.
Pero base sa mga detalyadong kuwento ni Anjo tungkol kina Jose at Allan, hindi na ito “bluff.”
Wala pang pahayag sina Jose at Allan tungkol sa mga "pasabog" na ito ni Anjo.
Hindi na rin pinatulan ni Senator Tito Sotto ang mga bagong patutsada ni Anjo.
Read: Cristy Fermin, tumanggi sa "box reveal" ni Anjo Yllana
ANJO YLLANA ON JOKE ABOUT RUSTOM PADILLA
Naging kontrobersiyal si Anjo noong dekada ’90 nang magpaalam si Carmina Villarroel bilang mainstay cast ng sitcom na Palibhasa Lalake.
Sa rehearsal kasi ng isang eksena, nagbiro ang aktor tungkol sa sexual orientation ng kasintahan noon ng aktres na si Rustom Padilla.
Nakarating kay Carmina ang offensive joke ni Anjo na ikinasama ng loob niya. Umalis ang aktres sa programa.
Nang sumunod na taon, nagpakasal sila ni Rustom. Pero humantong din ito sa paghihiwalay.
Read: Remember when Carmina Villarroel left Palibhasa Lalake because of Rustom Padilla?
“Hindi ko idea yon. Idea yon ng assistant director,” paliwanag ni Anjo sa Cabinet Files.
Itinanggi niyang "bluff" ang kanyang biro tungkol kay Rustom, mahigit sa tatlong dekada na ang nakalilipas.
Kuwento pa ni Anjo: “Nag-usap na kami ni Rustom. In-explain ko sa kanya, humingi naman ako ng dispensa dahil napag-utusan lang ako.
“Tapos si Robin [Padilla] naman, hindi namin napag-usapan iyon noong magtrabaho ako sa Senado.
“Lagi akong nasa opisina ni Robin, palagi niya akong ipinapatawag kasi mabait sa akin si Robin. Alaga niya ako.
“Okay naman ang relasyon namin ni Robin. Okay kami ni Rustom.”
Dating nagtrabaho si Anjo sa Senado bilang staff ni Senator Jinggoy Estrada.
Noong Marso 2006, ipinagtapat ni Rustom ang tunay na pagkatao nito nang maging housemate siya ng reality show ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition.
Sinabi ni Anjo sa Cabinet Files na ikinabigla niya ang pag-amin ni Rustom, na isa nang trans woman ngayon, dahil lumitaw na totoo ang kanyang biro.
“Nagulat din ako nang i-reveal ni Rustom. Sabi ko, 'Ay, totoo pala yung nangyari sa Palibhasa Lalake.
“Nagulat din ako pero nakapag-usap kami noong BB Gandanghari na siya. In-explain ko naman sa kanya, humingi naman ako ng paumanhin sa kanya.”
Read: Cristy Fermin, tumanggi sa "box reveal" ni Anjo Yllana