Si Boy Abunda ang producer ng stage play na Ateng, na mula sa panulat ni Vince de Jesus at unang itinanghal noong 2005.
Ang Ateng ang isa sa mga passion project ni Boy at paraan ng pagbibigay-pugay nito sa teatro, ang industriyang pinagmulan niya at malaking bahagi ng kanyang pagkatao.
Read: Storm chaser Josh Morgerman, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre
“May isang klarong bagay, I wanna produce more plays.
"Bayad-utang siguro dahil nagsimula ako, nagtrabaho ako sa teatro nang matagal na panahon,” lahad ni Boy tungkol sa kanyang desisyong i-produce ang Ateng.
“Ito yung mundo na naging mabait sa akin, dito ako nagsimula. Dito ako nagkaroon ng pakpak.
"Ngayon lang, consciously, now that I’m articulating what I feel, ito siguro yung pasasalamat ko dahil matagal akong nagwalis sa backstage ng Metropolitan Theater.
“Matagal akong naging assistant stage manager. I’ve worked with the masters and this is my way of saying thank you.
“I mean it from the bottom of my heart. I really wanna produce more plays this year.”
Itatanghal ang Ateng sa Rampa Club, Tomas Morato Avenue, Quezon City, simula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 7, 2025.
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by dad Manny Pacquiao

KOKOY DE SANTOS INITIALLY REJECTED ATENG
Sina Thou Reyes at Kokoy de Santos ang mga bida sa Ateng.
Sa panayam kay Boy, isiniwalat nitong tumanggi si Kokoy na tanggapin ang proyekto nang una itong ialok sa kanya.
Lahad ng veteran talk show host: “Tinanggihan ako the first time I offered him the role.
"After a guesting sa Fast Talk, sinabi ko I’m doing a play. Sabi ko, ‘Gawin mo ito.’
“Sabi niya, ‘Ayoko nga.’ Natatakot siya.
"Ang hiningi lang namin ni Vince, pinagtulungan namin siya ni Vince, 'Basahin mo lang yung materyal. Kapag binasa mo at ayaw mo, hindi ka namin pipilitin.’
“Pero ang una niyang reaksiyon, ayaw. But also, I was coming from the assumption na akala ko nag-teatro na si Kokoy.
“Only for me to realize na this is the first play he’s doing.
"But he said no, [then] he read the material, he fell in love, he’s here, and the rest is history.”
Pinuri ni Boy ang dedikasyong ipinamalas ni Kokoy sa unang stage play nito.
Saad niya: “He’s very passionate. He’s very passionate to learn.
"He’s very passionate to maximize, to optimize himself in what he’s doing.
“Nung nabasa niya ang script, hindi na niya ako tinigilan. Iba na yung naging reaksiyon niya sa materyal."
Sabi pa ni Boy tungkol sa Kapuso actor: “There’s something about Kokoy.
"There’s something about Kokoy which is so... it’s a combination between Daniel Day-Lewis and Tom Hanks.
“Alam mo yung nasa gitna nun?
"Think Daniel Day-Lewis, that insanity of Daniel, and the precision acting of a Tom Hanks. Nandun ang Kokoy.
“Hindi mo alam kung susuntok. Hindi mo alam kung hahalik.
"So if you’re asking me why, how he got me by the neck, it’s that quality.”
Read: VIRAL: "6-7" is chosen "Word of the Year"; what does it mean?