Walang binanggit na pangalan si Kylie Padilla, pero hindi maitatangging tungkol sa rebelasyon ni AJ Raval ang kanyang Facebook post ngayong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 12, 2025.
Nakasaad dito (published as is): “Ito lng po comment ko para matapos na
"matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata.
"Sobrang close sila at yun pinakaimportante.
“Happy that now di na kailangan magtago. Proud of you.
"Peace all around. Sana matapos na drama.”
Read: Kylie Padilla clueless sa "anak" nina Aljur Abrenica at AJ Raval
Si Kylie ang estranged wife ni Aljur Abrenica, at mayroon silang dalawang anak na lalaki.
Samantala, tatlo na ang anak ni Aljur kay AJ — isang babae na dalawang taong gulang; at dalawang lalaki, na isang taong gulang, habang isinilang ang bunso nila nito lamang Setyembre 3, 2025.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
ALL'S WELL BETWEEN KYLIE AND AJ
Ang pahayag ni Kylie tungkol sa rebelasyon ni AJ sa Fast Talk With Boy Abunda—na mayroon na siyang limang anak—ang patunay na maayos ang kanilang relasyon.
Taliwas ito sa mga haka-hakang hindi sila magkakasundo.
At lalong walang katotohanan ang mga paratang na si AJ ang third party sa pagwawakas ng relasyon noon nina Aljur at Kylie.
Hiwalay na ang dalawa nang mag-umpisa ang pagmamahalan nina Aljur at AJ na nagsimula noong 2021 sa set ng Vivamax movie na Nerissa.
Marami ang nabigla sa isiniwalat ni AJ na lima na ang anak nito — dalawa sa unang nakarelasyon niya noong teenager pa siya at tatlo kay Aljur.
Gaya ni AJ, lima na rin ang anak ni Aljur — tatlo sa kanyang kasalukuyang karelasyon at dalawa kay Kylie.
PART 2 OF AJ INTERVIEW
May Part 2 ang panayam ni Boy Abunda kay AJ at mapapanood ito sa Fast Talk With Boy Abunda sa Huwebes, Nobyembre 13.
Kasama ni AJ ang kanyang amang si Jeric Raval sa ikalawang bahagi ng interbyu ni Boy, at dito siya nagsalita tungkol sa relasyon niya kay Kylie at sa mga anak nito kay Aljur.
Read: Aljur Abrenica, di pa kumportable pag-usapan ang mga anak kay AJ